Biczerkleta

Directions

Biczerkleta Bike • Biker • Bikest

Biking stuff and everything in between

02/11/2026

🚴‍♂️🥰

Salamat agad sa pitik brother Jang Jang 🥰
02/11/2026

Salamat agad sa pitik brother Jang Jang 🥰

PAHINGA 🚴‍♂️Sa biking, hindi naman palaging karera. Hindi rin kailangang laging mabilis, laging malayo, o laging may hin...
02/11/2026

PAHINGA 🚴‍♂️

Sa biking, hindi naman palaging karera. Hindi rin kailangang laging mabilis, laging malayo, o laging may hinahabol na average speed. May mga pagkakataong kailangan mong mag-slow down, huminto saglit, uminom ng tubig, huminga nang malalim, at namnamin ang bawat sandali.

Kasi paano ka makakarating sa finish line kung ubos ka na sa kalagitnaan? 😅

Ganyan din sa buhay. Hindi masamang magpahinga. Hindi ibig sabihin na tamad ka o wala kang progress. Ang mahalaga, alam mong kailan ka dapat huminto at kailan ka ulit dapat lumaban.

Pahinga lang, hindi quit. Hinto lang, hindi atras.

Dahil minsan, ang sikreto para mas malayo ang marating mo ay ang marunong kang magpahinga bago muling pumadyak.

Kaya mga ka-biczerkleta, take a break, recharge, then ride again!

Walang medalya sa pagpupumilit kapag pagod na. Ang goal ay makarating nang ligtas, hindi maunang mapagod. 😂

🚴‍♂️ Padyak kung kaya. Pahinga kung kailangan. Basta tuloy ang journey!

02/11/2026

THANK YOU LORD 🚴‍♂️🙏

Salamat sa isang mapagpalang Lunes Papa G 🥰 Salamat po sa pag iingat. Though hindi natuloy yung planned ride namin, alam kong may mga dahilan. Hehe. 😁

So there. Ma share ko lang no mga ka-biczerkleta, habang pumapadyak kami, andami kong paru paro na nakita. Ibat ibang kulay. Lahat dumaan sa harap ko. Tas nung paahon na, puro patay na Mariposa na nakita ko. Then pagdating sa may Cabading, paglagpas sa pwesto ni Jang Jang, may nakita akong tuta na kinakain yung ulo ng mommy nya na aso(patay na mommy nya, nasagasaan ata). Tsk tsk. Hindi ko na shinare sa mga unang video ko at hindi ko na rin vinideohan dahil medyo may pagka morbid yung datingan. Anong gusto kong sabihin sa mga sinabi kong to? Baka sign din talaga na ayaw kami patuluyin. 😱 (Kakapanood yan ng Gabi ng Lagim ni Jessica Soho at Magandang Gabi Bayan eh). Hahaha. 👻

Yun lang. Bow.

Shout out nga pala kay Tabz Salva na nakita ko sa Ahon Coffee. Sayang hindi ako nakapag papicture sa pinakamabilis na tao sa JPMC. Hahaha. Nawala na sa utak ko. Next time lodz.

Sa lahat ng ka-biczerkleta jan, ingat lagi. Hydrate at mainit. Ride safe and God bless everyone. Nyeheheheheeeessss! 🥰

02/11/2026

PALO ALTO 🚴‍♂️

IKAW LANG SAPAT NA 😜Yung uminom ka ng pampababa ng dugo, sabay babanat ka ng Ampalaya. Hahaha 🤣
02/11/2026

IKAW LANG SAPAT NA 😜

Yung uminom ka ng pampababa ng dugo, sabay babanat ka ng Ampalaya. Hahaha 🤣

01/11/2026

KARGA MUNA BAGO MAPASABAK 🚴‍♂️

Kain muna guys. Hahaha. Bon apetite 😜 Bago mapasabak sa matinding ahunan. Kain muna siyempre. Hehe...

Ingat sa lahat mga ka-biczerkleta 🚴‍♂️ God bless!

GOOD MORNING MGA KA-BICZERKLETA 🚴‍♂️Unang padyak ng November. Paguran agad. Hulaan niyo san kami papunta? 😜
01/11/2026

GOOD MORNING MGA KA-BICZERKLETA 🚴‍♂️

Unang padyak ng November. Paguran agad. Hulaan niyo san kami papunta? 😜

30/10/2026

PHILIPPINE LOOPER ❤️

May nakasabay tayo mga ka-biczerkleta na mag lu-loop sa Pilipinas. Siya si Sir Lemuel. Hindi ko na nakuha buo nyang name, pero yun nga, mag Philippine Loop daw sya. Kaya puro sya ensayo.

Good luck sa yo sir and sana makita mo tong video na to. Kung kilala nyo si Sir Lemuel mga ka-biczerkleta na taga Ugong, Pasig p**i tag na lang sya. Hehe. Maraming salamat sa inyo.

Ride safe everyone! God bless!

📸 Alex shutter  Salamat sir sa pitik
27/10/2026

📸 Alex shutter

Salamat sir sa pitik

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Biczerkleta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category