13/06/2026
"Super Pinoy Vibes"
June 12, 2026
SM CityMarikina
Alay ng SM Marikina sa ika-128 Araw ng Kalayaan, na dinaluhan ng Boy Scouts of the Philippjnes Marikina, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bomb Squad at mga kinatawan mula sa iba't-ibang departamento ng SM Marikina.
Sinimulan ang programa nang pagawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at sinundan ng pagtatanghal ng Apat na Alay, isang doksolihiya mula sa Marikina Cultural Group. Ang mga piling panauhing pangdangal na sina Gng. Naelah Tulayba, Asst. Manager ng SM Marikina at Konsehal Jojo Banzon, ng Lungsod ng Marikina, ay nagbahagi ng kanikanilang mensahe. Ang sumunod na bahagi ay isang makabagong pagtatanghal ng National University East Ortigas Limelight Performing Arts Dance Company. Binigyang diin ng Marikina Dance Guild, PLMar Dance Guild at Batlaya Theater Guild ang tema ng Kalayaan 2026 sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng kagitingan ng Lahing Pilipino, na hinabi ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amercano at Hapon. Pagkaraan ng himagsikan, bumangon ang mga Pilipino at nakasaganahan ay tinamasa ng lahat, subalit sa makabagong, ang mabilis na kaunlaran ay nagdulot suliranin ng lipunan: kahirapan, koraption, karahasan, pagtaas ng mga bilihin, pagkawasan ng kalikasan na nagdulot ng Climate Change. Isang hamon ang iniwan sa pagtatapos ng programa, ang pagmamahal sa bansa ng lahat, pagkakaisa at sama-samang pagkilos, ang syang kailangan upang lumaya sa mga sularanin ng bansa. Kayang-kaya ito dahil ang lahing Pilipino ay matatag sa mga hamon ng panahon, kaya nga't tinawag tayong Super Pinoy!