16/08/2026
District Meet 2026 (Part 1) Highlights
Naging napakatagumpay ng ating unang bahagi ng District Meet noong Agosto 15, 2026! Sa temang "Shaping Champions through Discipline, Teamwork, and Sportsmanship," pormal na binuksan ang programa sa isang masigla at nakatutuwang marching band showdown mula sa iba't ibang paaralan ng ating distrito!
Sinundan ito ng matitinding laban kung saan kitang-kita ang galing at puso ng ating mga atleta sa Volleyball at Chess sa ating host school, ang Taguilon National High School, pati na rin sa Basketball sa Sto. Niño, Dapitan City.
Taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng naging katuwang:
PICD Jose C. Overa, Principals ng Baylimango District, at School Heads: Sa inyong matatag na pamumuno, gabay, at patuloy na suporta sa buong distrito.
Barangay Officials: Sa inyong buong-pusong pagsuporta sa ating mga pasilidad, seguridad, at mga programa.
Faculty at Mga G**o: Sa inyong walang sawang pagsasakripisyo, pagpapatakbo ng palaro, at pag-coach.
Student-Athletes & Band Members: Sa inyong disiplina, galing sa laro at musika, at mahusay na pagrerepresenta sa inyong mga paaralan.
Mga Magulang at Komunidad: Sa inyong walang katapusang suporta at pagbibigay-sigla sa ating mga kabataan.
Hindi pa rito nagtatapos ang laban... Kita-kits sa PART 2 ngayong Agosto 31! Mag-ipon ng lakas at maghanda muli!