13/10/2026
“CABLE CAR” O TRAM LINE SA KENNON ROAD, BENGUET?
Usap-usapan sa social media ang Facebook post ni Simsim Jake na nagpapakita ng kakaibang diskarte sa Kennon Road, Camp 6, Benguet.
Habang ang ibang lugar ay nangangarap na magkaroon ng tram line o cable car, sa bahaging ito ng Benguet, isang Elf truck naman ang tila lumilipad sa ere habang tumatawid sa kabilang panig.
Ayon sa mga lokal, hindi na raw bago ang ganitong diskarte sa Benguet. Para sa mga Cordilleran, ang kawalan ng daan ay hindi hadlang kundi isang hamon na kailangang gawan ng paraan. Kung kayang maghatid ng gulay, baboy at maging ng mga tao gamit ang cable, bakit hindi rin umano ang isang sasakyan?
📷 Simsim Jake