20/11/2026
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐒𝐏 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐨-𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭
Pinangunahan po ng inyong lingkod ang Committee Hearing ng SP Committee on Socio-Economic Planning and Development upang suriin at talakayin ang mga panukala at usaping may direktang kaugnayan sa pagpaplano, mga programa, at pangangailangan ng ating mga komunidad.
Mahalagang mapag-usapan at mapag-aralan ang bawat usapin upang matiyak na ang mga hakbang na isusulong ng ating Sangguniang Panlalawigan ay nakabatay sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng ating mga kababayan.
Nakasama po natin sina Bokal RJ Angara, Bokal Pedro Ong Jr. (via Zoom), Bokal Sherwin Amatorio, at kinatawan mula sa MPDC-Dipaculao, MPDC-Dinalungan, MPDC-Baler, at PPDO.