GRAFiK

Call Directions Website

GRAFiK Photography, Pinoy, Cycling, Sports, Everyday Life.

https://www.facebook.com/share/p/1abVQRLRNg/
22/06/2026

https://www.facebook.com/share/p/1abVQRLRNg/

π‹π“πŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐀𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† ππ€π’π€π–π€π˜ 𝐍𝐀 πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€ 𝐍𝐀 πƒπ”πŒπ€π€π 𝐒𝐀 ππˆπ‚π˜π‚π‹π„ 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐀𝐓 ππ€πŠπˆππ€π†π“π€π‹πŽ 𝐒𝐀 π’πˆπŠπ‹πˆπ’π“π€; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π, πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Toyota Corolla matapos itong makuhanan ng video na umano’y ginagamit ang bicycle lane at nakipagdiskusyon sa isang siklista sa pampublikong lansangan.

Batay sa viral video na kumakalat sa social media, makikita ang naturang sasakyan na umano’y bumabaybay at sumasakop sa bicycle lane. Makikita rin sa video na ang sangkot na driver ay huminto, bumaba ng sasakyan, at lumapit sa isang siklista habang nasa kalsada.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang driver na humarap sa IID sa itinakdang pagdinig upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay at iba pang kaukulang dokumento bilang tugon sa mga alegasyong inihain laban sa kanila.

Kabilang sa mga posibleng paglabag na sinisiyasat ng LTO ang Disregarding Traffic Signs at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle alinsunod sa Republic Act No. 4136. Ang mga naturang paglabag ay maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng lisensya sa pagmamaneho, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa patuloy na imbestigasyon.

Samantala, inatasan ng LTO ang driver na agad na isuko ang kanyang driver's license, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon. Ang naturang sasakyan ay inilagay rin sa alarm status upang matiyak ang pagsunod sa mga kautusan ng ahensya.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng batas-trapiko upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

β€œAng mga bicycle lane ay ginawa upang maprotektahan ang ating mga siklista at matiyak ang kanilang ligtas na paglalakbay. Hindi natin kukunsintihin ang anumang paglabag na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng ibang road users. Patuloy nating pananagutin ang mga motorista na lumalabag sa batas at hindi nagpapakita ng responsableng pagmamaneho,” ani Lacanilao.

Patuloy na hinihikayat ng LTO ang publiko na maging responsable at sumunod sa mga batas-trapiko bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapanatiling ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga kalsada sa buong bansa.

Address

Western Bicutan
Taguig
1600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GRAFiK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category