04/09/2026
Maging ang Saranggola ay Tumatangis
Cellphone, ipad, tablet at iba’t iba pang mga gadgets. Ilan pa kaya ang nagnanais na isang sararanggola ang lumipad sa himpapawid mula sa isang batang paslit? O subsob na silang lahat y sa nakalululang hatid ng bawat gadget kung saan kanila’y maghapong kapit?
Tila iilan na lamang nga, tila mabibilang na lamang nga, sa tuwing bakasyon at tag-init ay sasapit, ang dati sanang masiglang baybay lawa at malawak na palayan kung saan nagtitipon ang karamihan. Tila ba wala nang namamasyal. Ang dating mga katulad nna larong pangbata sa lansangan ay bahagya mo nang masisilayan. Ang magpalipad ka kaya ng burador, saranggola o guryon katulad ng sa akin? Tila ba isang ala-ala na lamang ata na mga batang 90’s ang huling nagenjoy at pangarap ay kasabay na lumipad sa akin.
Fujifilm XA3
Victoria, Laguna