17/09/2026
Proof of concept (2023) ng pelikulang "Sayaw nin mga Salampati" (Dance of the Pigeons).
Habang inaayos ang mga aktwal na biswal ng pelikula na nakunan sa unang bahagi ng produksyon, hayaan niyo kaming ibahagi ang bidyong ito na nagsilbing โProof of Conceptโ para maipakita ang bisyon ng pelikula. Kinunan ito tatlong taon na ang nakakalipas (2023). Marami nang nagbago sa kwento maging sa paraan ng pagkwento mula sa mga unang plano. Kaya, kaabang-abang ang mga susunod pang bahagi ng produksyon.
Salamat sa mga naging bahagi nito noon.
At patuloy pa rin kami sa pagkalap ng tulong para tuluyang matapos ang pelikula. Sa mga nais tumulong, makipag-ugnayan lamang sa mga FB page na ito: Dance of the Pigeons, Giya Studios, Arjanmar H. Rebeta ". Maaari ring magpadala ng email sa [email protected] o [email protected].
Dios Mabalos.
---
Musika:
โNawawara ang Takotโ
Liriko ni Arjanmar H. Rebeta
Musika ni Ruben Federizon
Awit ng Philippine Madrigal Singers
โSalampating Guminaroโ
Musika ni Ruben Federizon
Awit ng Philippine Madrigal Singers