11/05/2026
Happy mothers day to all moms take time to read this
Cerebral palsy awareness:
to all moms and future mom
Walang makakatulong sayo kundi sarili molang yan yung sabi ng nagpaanak sakin sa public hospital habang nasa sa delivery room ako nakahiga para manganak na!!!!
Sinubukan mo siguro ipalaglag yan kaya nagkaganyan yan ito ang sabi ng ibang tao na walang alam sa sakit ng anak ko nung isa isa ng lumabas mga syntomas sa kanya
Diko rin naman masisi ibang tao kung ganito sasabihin nila lalo na wala pa akong alam or knowledge about sa condition ng anak ko dati kaya nanatili ako na tahimik…
but now i can fight and explain about her condition dahil alam kona…
Isipin mo inalagaan mo excited kayo para sa darating na magiging anak nyo inantay nyo ng matagal nagtiis ka sa hilo s**a at ibat ibang pakiramdam nung habang buntis kapa tas magkakakomplikasyon lang sa araw ng pagkapanganak mo ni Dimo alam sino sisisishin sarili moba o yung nagpapaanak sayo!!
Ano sa tingin nyo ?? Will take time to read this
mommies and future mom👇
as mom like me i know na walang nanay mommies will think or expect that your child will having like this sickness, or shall we say a rare condition.
way back before We are both so excited and happy nung nalaman kung pregnant ako sa kanya we do prenatal check up monthly, nag pa ultra sound okay naman everthing was normal even my OB said na healthy si baby since maganda at normal naman fetal heartbeat nya twing chinicheck during check up.
Everything was so okay then nung time na dumating na naglabor naako ang bilis lang ng progress from 1cm mabilis lang ako nag 10cm pagkadating sa hospital kaya kopa tiisin ang sakit tolerable kopa naman but since im a first time mom hirap na hirap akong ilabas sya andyan na yung ulo nya naka stuck na sa pwerta ko but since maliit sipit sipitan ko di talaga sya malabas diko alam na may risk pala pag matagal maipit ang ulo ng baby 3 hours syang na stuck
The worst is walang maayos na tulong o assist during nanganak ako i still remember how i do pushing many times ng diman lang ako tinulungan ng nagpapaanak sakin anyway sa hospital ako nanganak andyan na e andyan na ulo nya kitang kita na dingalang mailabas labas dahil masikip pwerta ko , kaya nagkaroon na pala sya ng fetal distress naubusan na ng oxygen brain nya
Yes dapat Cs na yon but since public hospital yon alam nyo naman mga mommy in public na pipilitin ka talaga nila i pag normal diko nilalahat pero yan ang most na nangyayari
So inshort pinilit syang e normal pagkalabas nya di sya agad umiyak tas nung umiyak sya parang 5 seconds na iyak lang after non dina agad nasundan di naman sya na admit nung nilipat na kami sa ward which is recovery room lahat ng newborn nag sisi iyakan pero sya panay tulog di umiiyak ang saya kopa non kasi akala ko ang bait nya lang na di pala iyakin
Akala ko okay sya kasi newborn screening nya is normal wala namang sinabing may mali sa kanya.
So this is my precious chelsie janeyah turning 3 years old this year but now but look like a months old anyway she has cerebral palsy multiple condition such as epilepsy,sandifer syndrome,brain damage, acid reflux, bawat sakit nya ibat ibang gamot tinitake nya
Nung nag 2 months old sya napansin na namin mga movement na kakaiba sa kanya di sya pala iyak panay s**a after feeding tulog ng tulog lang on her months old palang
Stretching her body pina check namin sya sa pedia then sabi hindi normal ang movements nya at need sya makita ng neurologist dahil may mga sign sya ng seizure which is epilipsy, spastic paninigas ng galaw mga muscle nya since
At 2 months old agad namin syang pinabinyagan para i byahi sa manila from surigao to manila para ipa check sya sa neurologist kasi akala ko maagpan agad pag pumunta kami na magagamot agad at makakauwi din kami agad sa surigao ulit pero hindi ganon pagka dating sa maynila diretso agad namin sya pina check up pero ang nangyari inadmit sya for 1 month doon na sya na diagnose daming laboratories request for MRI request for EEG para makita yung function ng brain nya diko ma gets bawat sabi ng doctor pero tanging na intindihan kolang is sinabi nyang nung nanganak poba kayo nahirapan poba kayo and i said yes sinabi ng doctor is one factor din yon na kaya nagkaganon anak ko fetal distress during give birth sabi pa ng Dr. lifetime condition sobrang nanginig katawan ko ng marinig ko yon na para bang binagsakan ako ng mabigat na mabigat na bato dahil hindi ko accept hindi kasi yon ang ini expect ko para sa kanya happy family healthy life yon yung ini expect ko, 2 months old sumabay pa pospartum depression na ako lang nakaka alam solo ko since malayo kami sa pamilya dahil kami lang tatlo pumunta ng maynila
Habang nadadagdagan ang taon padami ng padami ginagawa o pinapagawa kailangan nya lagi may monthly check up sa neurologist sa Gastro at sa Pulmo
Dahil sa condition nya at pabalik balik na na admit natubuhan nag dedepende nalang sya sa machine at oxygen for supporting her breathing lalo na pag natutulog sya at hanggang ngayon umaasa ako na maybe God will give a miracle for her kaya pilit parin naming ginawa lahat ng Begay na makakatulong sa kanya such as medication , theraphy nya at pabalik balik na confinement na parabang bahay na namin ang hospital dahil monthly or every 2 months nalang sya na aadmit dahil nga sa condition nya pero shes so strong at lumalaban sya alam ko at ramdam ko na gusto nyang manatili sa mundo sa kabila na kabila bilang sakit na pasan pasan nya , i feel guilty yes i always say sorry yes i blame myself yes i carry the heavy feeling the pain until now
Ngayong na explain kona condition nya how can you judge again pano mo masasabing sinubukan kong ipalaglag sya kung since nuon palang ginawa namin lahat ng paraan para ilaban ang buhay nya , pano mo masasabi na sinubukan ko syang ipalaglag kung hanggang ngayon tinitiis ko lahat at pinagdadasal na maging okay sya.
Kasi in the first place kung ayaw namin sa kanya idi sana pinabayaan nalang namin sya noon pa diba?? Hindi pa enough na napakaraming sacrifices ang ginawa namin para sa kanya para lang mabuhay sya even its really unconditional, walang katiyakang pag galing? Kaya sa mga tao dyan mga kapwa mommy be kind ang gentle to your words ask before you judge.
We love her so much at diniyo nakikita mga gabi na walang tulog namin mga silent battle namin mga panahon na nirerevive namin sya.
Proud ako sa sarili ko dahil kinaya ko lalo na sa mga kapwa ko warrior mom God really love us dahil di nya tayo pinabayaan at patulog na dinudugtungan ang buhay ng anak natin sa kabila ng mga nangyayari.
Ikaw anong kwentong mommies era mo?