22/07/2024
Ama naming bathala,
Salamat sa ulan na inyong biyaya.
Mga tuyot naming mga palaya'y nabasa
Upang mga binhi'y umusbong na makakakain ng madla.
Salamat sa buhay na Inyong ibinigay
Na kahit kami sa Inyo kung minsan ay sumusuway
Pinagpapala pa rin at inaaruga
Ginagabayan at kinakalinga.
Samo namin muli kaming bantayan
Sa aming paghimbing sa aming higaan
Ilayo sa kapahamakan
Umaga , muli naming masilayan...