04/08/2026
๐ ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ฒ ๐๐ผ ๐ฆ๐ถ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐บ๐ฒ
There are moments in life that leave us speechless and this is one of them.
Sir Jerome, nakakagulat ang balitang bumungad sa aming lahat. Hindi namin inakalang darating ang araw na kailangan ka naming ipagluksa. It was sudden and unexpected. We never imagined that you would leave us so soon.
Every flag ceremony will never be the same without your voice. Ang mga paalala, mga biro at maging ang mga pammagbagam na minsan ay ikinatawa at ikinalungkot namin, ngayon ay magiging mga alaalang habang-buhay naming dadalhin. Bilang aming AP teacher, hindi lamang aralin ang itinuro mo sa amin, kundi pati mga pagpapahalaga at aral sa buhay na mananatiling nakaukit sa aming mga puso at isipan. Isa ka sa mga gurong tunay na magaling magturo. Uray saan kami nga saan nakapag-review, adda latta main-answer mi gapu ta nalaing ka nga agisuro sir. Hindi lang namin kinabisado ang mga aralin, naunawaan namin ang mga ito dahil sa iyo.
You were more than a teacher. You were a guide, a good listener and a friend. Bilang SSLG Adviser, ipinakita mo ang tunay na kahulugan ng pamumuno, mahigpit kapag kinakailangan, ngunit puno ng malasakit at hangaring makita kaming maging mabubuting tao. Maaaring marami ang nakakita sa iyong pagiging istrikto, ngunit kami ang nakasaksi sa kabutihan at pagmamahal na ibinigay mo sa bawat estudyante.
Mamimiss mi dagiti panagkatawa, dagiti istorya, ken dagiti panawen a nakikadua mi kenka. Hindi namin inakalang darating ang panahong ang mga ordinaryong araw na iyon ang siya naming mamimiss nang husto.
Hindi namin malilimutan ang lahat ng iniwan mong aral at pamana. Ang iyong impluwensya ay mananatili sa bawat estudyanteng iyong nahubog at sa bawat pusong iyong naantig.
Although you are no longer with us, your legacy will continue to live on through us. You may be gone from our sight, but you will never be gone from our hearts.๐ค
Maraming salamat, Sir Jerome, sa lahat ng iyong sakripisyo, paggabay at pagmamahal sa aming mga mag-aaral. Agyaman kami unay, Sir. Saan ka nga malipatan. Agtalinaed ka iti puso ken panunot mi iti agnanayon. Rest in Peace sir, Jerome. ๐๏ธ