02/12/2020
https://www.facebook.com/859331417772625/posts/1304509676588128/
HINDI KASI AKO MAKAKAPUNTA SA KASAL NYO... 😞
Kung nakatanggap ng wedding invitation mula sa couple (physical man o sinend online), at alam mong hindi ka makakapunta...
OKAY LANG kung sasabihin mo na hindi ka makakapunta.
Mas maaga ka magsabi, mas okay.
Wag mo ng patagalin pa.
Wag paasahin at paghintayin ang couple.
Karamihan sa couple, hindi yan magagalit kung hindi mo talaga kayang pumunta. Kung hindi ka pinayagan sa work, may prior commitments ka na, o kung may travel sched ka, magsabi ka lang.
Minsan sa dami ng iniisip, gusto lang nilang malaman kung pupunta ka ba o hindi para magfinalize ang guest list. No emotions involved na.
So please do them a favor, magsabi ka ng maaga.
Para kung hindi ka makakapunta, pwede pa sila mag-imbita ng ibang kaibigan. O bawasan ang ipapareserve sa catering para makatipid.
Simple lang di'ba?
Kapag nakatanggap ng invitation, 2 lang ang sagot:
Pupunta o Hindi Makakapunta
Wag na po sumagot ng Maybe, Pag-iisipan pa, o yung bigla na Lang hindi na magpaparamdam.
Kung magpapaalam ka pa sa trabaho, sabihan ang couple kung kailan ka magbibigay ng sagot. Wag na po magpaasa, please. 🙏
Kung ikakasal ka next year at kailangan mo ng tulong para sa wedding motif, mag sign up ka lang sa thebudgetarianbride.com para makuha ang FREE Wedding Color Guide 👍