20/10/2026
TINGNAN |•|
Matagumpay na naidaos ngayong araw ang Couples Congress sa Barangay Canipaan, Dr. Jose P. Rizal, Palawan, na sinabayan ng pagbibigay ng iba't ibang serbisyong pangkalusugan para sa komunidad.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA), assessment para sa mga non-communicable diseases (NCDs) tulad ng hypertension at diabetes, at pagbibigay-kaalaman tungkol sa mental health mula sa Municipal Health Office Dr. Jose P. Rizal, Palawan.
Isa rin sa mga naging mahalagang bahagi ng pagtitipon ang pagsasama-sama ng mga Hilot o Traditional Birth Attendants (TBAs) at mga lokal na lider mula sa Barangay Taburi, Latud, at Canipaan.
Layunin nitong mas mapabuti ang referral system para sa mga buntis, matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga hilot at mga health worker, at talakayin ang mga insentibo para sa mga hilot.
Dinaluhan ang aktibidad nina Ma'am Aileen Balderian, RN; Jenivel Tombaga, RN; Elvis Lao, RM, mula sa Provincial Health Office; at mula naman sa Municipal Health Office sina Ma. Fe Quizan, RM; Dr. Romeo Dela Vega, MD; Earl Evangelista, RN; Gliezel Comedia, RN; Leslie Ann Echalas, RN; kasama ang mga Barangay Midwives.
Taos-pusong pasasalamat sa Barangay Council ng Canipaan sa mainit na pagtanggap at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Maraming salamat din sa ating butihing Mayor, Hon. Norman S. Ong, at sa 17th Sangguniang Bayan members,at higit sa lahat, sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD), sa pangunguna ni Sir Joven Guerrero sa bigay ng mga food packs at sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga health worker, mga hilot, at mga lider ng komunidad, patuloy nating isinusulong ang mas maayos na serbisyong pangkalusugan na abot hanggang sa bawat pamilya at komunidad.
Sama-sama para sa mas malusog na pamilya at mas ligtas na pagbubuntis!