Giya TV

Call Directions Website Contact the business

Giya TV Giya TV. Content & vlog channel of Giya Studios Mediarama Creatives: Every Image Has Wonder!
(1)

Pasok sa Isapelikula ang Meron, Wala.
07/10/2026

Pasok sa Isapelikula ang Meron, Wala.

Tara na! Sayawan na! Naka-indak ka na, Makakatulong ka pa sa paggawa ng pelikula.
03/10/2026

Tara na! Sayawan na!
Naka-indak ka na, Makakatulong ka pa sa paggawa ng pelikula.

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪. 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗. 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗟𝗜𝗞𝗨𝗟𝗔. 🕊️

Hindi kailangang maging dancer para makiisa.

Sa Indak-Salampati, inaanyayahan namin ang mga pamilya, barkada, dance groups, at buong komunidad ng Libmanan na magsama-sama para sa isang hapon ng sayaw, saya, at suporta para sa 𝙎𝙖𝙮𝙖𝙬 𝙣𝙞𝙣 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙥𝙖𝙩𝙞.

This is a collaboration of Giya Studios & Fabulousa Libmanan Retro Fitness

📅 October 24, 2026
⏰ 12:00 NN–6:00 PM
📍 Libmanan Covered Court, Brgy. Station Church Site

Sa pagbili ng ticket, may pagkakataon kang manalo ng papremyo habang ang iyong suporta ay napupunta sa pagpapatuloy ng isang pelikulang nagmumula sa Bicol.

Kaya kung naghahanap ka ng dahilan para lumabas, gumalaw, at makisaya, ito na ‘yon.

Bumili ng ticket. Isama ang mga kaibigan. At sama-sama nating suportahan ang pelikula.

𝗧𝗮𝗿𝗮, 𝗺𝗮𝗴-𝗜𝗻𝗱𝗮𝗸-𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗽𝗮𝘁𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼! 💃🕊️




29/09/2026

"The film not only puts the spotlight on regional traditions, but also the people’s collective courage and resistance."

Grassroots cinema: "As a full-scale musical film, the production faced significant resource hurdles, especially for Giya Studios. Seeing the challenge, the local community stepped up — everyone from thrift shop vendors and farmers to even pigeon owners donated goods and services to drive the project forward."

Read the article here: https://www.rappler.com/people/artists/bicol-film-an-sayaw-nin-mga-salampati-fight-human-rights/

✏ Reinnard Balonzo
📸 Arnold Conlu Jumpay (in article)
📸 Neil Daza, LPS (in poster)

Dios mabalos po sa nagtarabang sa Leg 1. Advanced pasalamat na rin po sa mga tutulong sa Final Leg. Message us po kung i...
28/09/2026

Dios mabalos po sa nagtarabang sa Leg 1.

Advanced pasalamat na rin po sa mga tutulong sa Final Leg. Message us po kung interested maging sponsor or investor :)

𝗟𝗘𝗚 𝟭 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘! 🕊️

Isang yugto ang natapos, at isang malaking bahagi ng kuwento ang nabuo.

Sa likod ng bawat eksena ay mga taong naglaan ng oras, talento, lakas, at puso para maisakatuparan ang unang leg ng 𝙎𝙖𝙮𝙖𝙬 𝙣𝙞𝙣 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙥𝙖𝙩𝙞.

Mula sa cast at crew, production team, volunteers, local artists, communities, partners, at sponsors.Maraming salamat sa bawat taong naging bahagi ng limang araw na paglalakbay na ito.

Hindi lamang mga eksena ang nabuo sa unang leg. Nabuo rin ang mga bagong ugnayan, alaala, at mga sandaling mananatili sa likod ng pelikulang ito.

Maraming salamat sa pagtulong na bigyang-buhay ang kuwentong ito.

At habang natatapos ang unang leg, nagpapatuloy pa rin ang paglalakbay ng pelikulang ito. Bukas ang 𝙎𝙖𝙮𝙖𝙬 𝙣𝙞𝙣 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙢𝙥𝙖𝙩𝙞 sa anumang anyo ng suporta—malaki man o maliit, sa pamamagitan ng oras, talento, resources, connections, sponsorships, partnerships, o simpleng pagbabahagi ng aming kuwento.

Kung nais ninyong maging bahagi ng mga susunod pang yugto, maaari kayong makipag-ugnayan sa [email protected].

Isang yugto ang natapos.
Ang kuwento ay nagpapatuloy. 🕊️



17/09/2026

Proof of concept (2023) ng pelikulang "Sayaw nin mga Salampati" (Dance of the Pigeons).

Habang inaayos ang mga aktwal na biswal ng pelikula na nakunan sa unang bahagi ng produksyon, hayaan niyo kaming ibahagi ang bidyong ito na nagsilbing “Proof of Concept” para maipakita ang bisyon ng pelikula. Kinunan ito tatlong taon na ang nakakalipas (2023). Marami nang nagbago sa kwento maging sa paraan ng pagkwento mula sa mga unang plano. Kaya, kaabang-abang ang mga susunod pang bahagi ng produksyon.

Salamat sa mga naging bahagi nito noon.

At patuloy pa rin kami sa pagkalap ng tulong para tuluyang matapos ang pelikula. Sa mga nais tumulong, makipag-ugnayan lamang sa mga FB page na ito: Dance of the Pigeons, Giya Studios, Arjanmar H. Rebeta ". Maaari ring magpadala ng email sa [email protected] o [email protected].

Dios Mabalos.

---

Musika:

“Nawawara ang Takot”
Liriko ni Arjanmar H. Rebeta
Musika ni Ruben Federizon
Awit ng Philippine Madrigal Singers

“Salampating Guminaro”
Musika ni Ruben Federizon
Awit ng Philippine Madrigal Singers

16/09/2026

Recording ng Pantomina music para sa pelikulang "Sayaw nin mga Salampati" (Dance of the Pigeons).

Tinugtog ng NCF - Rondalla (Naga College Foundation, Inc.)
Orihinal na musika ni Sir Ruben Federizon

Special thanks to Red Monkeys Studio 2.0 for sponsoring the recording.

BTS video edited by Neil Mondragón

Film: Dance of the Pigeons
Direction: Arjanmar H. Rebeta
Production: Giya Studios

10/09/2026

Salamat Jhong Hilario sa special mention ng ating pelikulang "Sayaw nin mga Salampati" (Dance of the Pigeons) at ng ating director, Arjanmar H. Rebeta, sa It's Showtime .

At opo, linawin lang din po namin, "Hindi po buhay si Rene Requiestas." Si Jhong Hilario po ang ating actor sa ating pelikula. Mag-trending ba naman sa FB at Tiktok na nabuhay daw muli si Rene Requiestas.

May second leg of shoot pa tayo, makikita natin muli si Jhong. Pero bago yan, kailangan namin ang suporta niyo na mahanap at makakalap pa ng pundo. Ilalaban natin ito tulad ng pakikipaglaban ng mga magsasaka sa kanilang mga lupa.

08/09/2026

Pantomina ni Jhong at Ramona!!!

Tuloy lang ang sayaw!
07/09/2026

Tuloy lang ang sayaw!

Address

Batasan Hills
Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Giya TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Giya TV:

Shortcuts

Share