01/03/2026
Bakit nga ba kami gumagastos sa sports ng anak ko? 💃💃💃
Nakakapanghinayang naman yung gumagastos nyo! Well, Hindi ako nagbabayad para sa sports. Honestly, wala naman yan kung ano Yung sinalihan nyang laro.
So, kung hindi sports ang binabayaran namin, ano?
Gumagastos kami, para sa mga moments na pagod na pagod na siya at parang gusto nang sumuko, pero hindi niya ginawa. (Character building, 'di ba?)
Gumagastos kami, para sa mga araw na galing siyang school at drama niya ay "too tired" na raw siya mag-training, pero pagdating sa court/gym, biglang hyper ulit.
Gumagastos kami, para matuto siyang maging disciplined, focused, at dedicated—kaysa naman puro scrolling lang sa phone maghapon.
Gumagastos kami, para matutunan niyang alagaan ang body niya at hindi lang puro junk food ang "fuel" para sa success.
Gumagastos kami, para matuto siyang makisama sa teammates—yung marunong tumanggap ng pagkatalo nang hindi nagwawala, at humble pa rin kahit panalo.
Gumagastos kami, para matuto siyang humarap sa disappointment. Yung hindi niya nakuha yung medal o title na inaasahan niya, pero pagdating ng Lunes, nandoon pa rin siya at binibigay ang best shot niya.
Gumagastos kami, para matuto siyang mag-set ng goals at hindi lang puro "pangarap".
Gumagastos kami, para sa respeto—hindi lang sa sarili niya, kundi pati na rin sa mga officials, judges, at coaches (kahit minsan nakaka-stress).
Gumagastos kami, para ma-realize niya na ang pagiging champion ay hindi parang "instant noodles." It takes hours, years, at sangkatutak na training at practice.
Gumagastos kami, para sa life-long friendships at memories. Yung mga bonding nila na dadalhin niya hanggang pagtanda.
Gumagastos kami, para matuto siyang mag-time management. Yung alam niya kung paano pagsabayin ang training at ang pagpapanatili ng matataas na grades.
..Ang dami pa, pero in short, hindi sports ang binabayaran ko. Nagbabayad ako para sa future version ng anak ko na matatag, may paninindigan, at handang harapin ang mundo. And Hopefully, maging maganda ang kalabasan nito.
Sana lang talaga, balang araw, ma-realize ng anak ko na lahat ng effort, pagod, at gastos namin para sa kanya ay para lang sa ikagaganda ng future niya. (Kahit minsan Alam ko feeling niya ay kontrabida kami).