03/12/2022
| D I S Y E M B R E | Buwan ng Kagalakan
Ito ay ang ika-12 buwan sa kalendaryo kung saan mararamdaman mo ang presensya ng papaparating na kapaskuhan. Hindi ito basta selebrasyon lamang, ito ay nakaugaliaan na at hindi na maaalis sa puso ng bawat Pagsanjeño. Sa Buwan rin na ito, nakahanay ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na syang patrona ng Bayan. Kaya't bukod sa pasko, ito rin ay sinasabing buwan ng Kalinisan at kagalakan sapagkat hindi lamang ang pagdating ni Hesus sa atin ang ginugunita, bagkus ang bayan rin ay nagpupugay at nagpaparangal sa walang humpay na pagaalaga ng Mahal na birhen sa Bayan ng Pagsanjan.
Kuha ni Alfred Macalalag