Aut & Ism-Love Hope and Autism

Aut & Ism-Love Hope and Autism I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full.

19/02/2026

Love♥️

♥️♥️♥️
19/02/2026

♥️♥️♥️

13/10/2025

I had conquered my sensory issues during my first flight😉
I know that Mom and Dad were worried.....worried that I will not be able to cope up easily with a new environment, hahahahhaha.... I proved them wrong😚
The ✈️, the 🛥️, the 🌊, even the 🐜🦗🦋 and the grass, I have conquered them all❤️🥳

I thank God that my family supported me so I can speak my thoughts even if my vocabulary is still limited😘

Thank you to my mom's officemate. They also help me understand that other people can support me by being aware how to treat my issues♥️🎈

From Siquijor, Dumaguete, Cebu to Valencia
This little warrior through my Lord Jesus, Christ has conquered the thing I always hear- sensory issues ❤️😘🥳

Praising my God with my little hands and little heart🙌❣️

03/10/2025

How

As a Father of an ASD kid, how did I accept the situation of my Daughter?

QUESTION

Did i accept it right away?

Kung sa sarili nating kakayahan mahirap matanggap dahil alam nating hindi instant ang kanilang development mahabang proseso ang kailangan
ngunit kung matututo lamang tayo na ipagkatiwala sa Panginoon ang ating mga pinagdadaanan saka lamang nating mararamdaman ang pagkilos ng Diyos sa buhay ng ating anak.

Indenial
Maraming mga magulang ang hindi kaagad natatanggap ang situation ng kanila mga anak.
At minsan nasasabi din nila na madaling sabihin ngunit mahirap gawin

How do we start to accept it
We need to learn how to trust God

Ang impossible ay posible
Once we put our trust to the Lord we need to believe it will happen
Kahit gaano pa kabigat ang ating mga pagdadaanan kasama nila kapag kasama mo ang Panginoon ito ay gagaan

For with God nothing shall be impossible
Luke 1:37 KJV

02/10/2025

WHY?

Sometimes in our lives we asked the question why?
Why did this happen to you?
Why your Son or Daughter have this?
Why me?

We have many whys in our lives, but did you give thanks to God because he entrusted you a child with ASD?

God gave them to us because He knows that He can trust us to take care of them properly and well.

Why did this happen to you?
Because God knows that you are the one who has the ability to love and take care of them.
Why does your Son or Daughter have ASD?
God give this ability to them not because He wants them to suffer but to bless them and to have a parent like you because God knows that you will love them and treat them right.
Why me?
God give this kind of situation to you, because God wants you to come to Him and trust Him. God is the answer of all our WHY'S.

If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you. But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind. That person should not expect to receive anything from the Lord. 8 Such a person is double-minded and unstable in all they do.

James 1:5-8 NIV

30/09/2025

What if

What if ang mga batang may ASD napunta sa mga magulang na pabaya at walang pakialam ano kaya ang pwedeng mangyari sa kanila?

THINK.........

GOD is trusting you!

Kaya sa atin sila ibinigay ng Diyos dahil
Alam Nya na maaalagaan at maiingatan natin sila ng mabuti.

Oo mahirap,maraming time ang kailangan para sa kanila at magastos ang therapy at minsan hindi natin alam kung saan natin kukunin ang mga gastusin at kung ano ang gagawin.

Ngunit sabi ng Panginoon sa Bible.

"Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus".

Philippians 4:6-7 NIV

Hindi ka pababayaan ng Diyos dahil pinagkatiwalaan ka Niya.

30/09/2025

Ikaw Bay Mayron ng Buhay na Walang Hanggan?

May napakaliwanag na sagot ang Biblia patungkol sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Una, kailangan nating kilalanin at aminin na nagkasala tayo sa Diyos. “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos” (Roma 3:23). Lahat tayo ay nakagawa ng mga bagay na hindi mabuti sa paningin ng Diyos, kaya nararapat lamang na parusahan Niya tayo. Dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay paglaban sa walang hanggang Diyos, ang kanyang kaparusahan sa mga nagkasala ay walang hanggan din naman. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 6:23).

Si Hesu Kristo na walang anumang nagawang kasalanan (1 Peter 2:22), at walang hanggang Anak ng Diyos ay nagkatawang tao (Juan 1:1, 14) at namatay upang bayaran ang kaparusahang nararapat para sa ating mga kasalanan. Ayon sa Roma 5:8, “Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong mga makasalanan pa tayo.” Namatay si Hesu Kristo sa krus (Juan:19-31-42) upang akuin ang kaparusahang nararapat sa atin (2 Corinto 5:21). Pagkatapos ng tatlong araw, Siya’y nabuhay na mag-uli (1 Corinto 15:1-4) bilang katibayan na natalo na niya ang kasalanan at kamatayan. “Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ang bagong buhay na iyon ay nagbigay sa atin ng malaking pag-asa” (1 Pedro 1:3).

Kinakailangang manampalataya tayo kay Hesu Kristo at talikdan ang ating mga kasalanan (Mga Gawa 3:19). Sapagkat kung sasampalataya tayo sa kanya at magtitiwala sa kanyang pagkamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan, patatawarin ang ating mga kasalanan at bibigyan tayo ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). “Kung ipahahayag mo sa iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon, at manalig ka ng buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka” (Roma 10:9). “Tanging ang pananampalataya kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus ang tunay na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at ito ay kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso 2:8,9).

Kung gusto mong tanggapin si Hesu Kristo bilang iyong Panginoon at tagapagligtas, narito ang isang simpleng panalangin. Tandaan mo lamang na hindi ang panalanging ito ang makapagliligtas sa iyo. Tanging si Hesu Kristo lamang ang Tagapagligtas. Sabihin mo sa Kanya ng buong puso, “O Diyos, inaamin kung nagkasala ako laban sa iyo at nararapat lamang na ako’y Iyong parusahan. Ngunit inako ni Hesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusa na ako ang dapat dumanas. Nagtitiwala ako na sa aking pagsampalataya sa kanya ay mapapatawad mo ako. Pinagsisihan ko at tinatalikuran ang aking mga kasalanan at magtitiwala ako kay Hesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. Salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen!”

Maraming Ausome parents ang sinisisi ang sarili nila sa mga condition ng anak nila. Marami din ang sinisisi sila bakit n...
01/09/2025

Maraming Ausome parents ang sinisisi ang sarili nila sa mga condition ng anak nila. Marami din ang sinisisi sila bakit nagkaganun ang anak nila (kalurkey ang part na to aheheheh).

Minsan o kadalasan nagtatanong din tayo sa Panginoon bakit nagkaganun, lalo na kung mabuting tao ka naman.

Sa buhay ni Job, mabuti siya, upright at may takot sa Diyos.
Pero sa lahat ng yun, dumating pa din ang napakaraming pagsubok sa buhay niya....pagsubok na nawala na ang lahat sa kanya except ang buhay niya.

Sa lahat ng iyon, hindi nawala ang pananampalataya niya sa Panginoon. At sa huli dinoble ng Panginoon ang mga nawala kay Job dahil sa hindi natinig na pananamplataya ni Job

Sa buhay nating mga Ausome parents may times na tinatanong natin bakit nagkaganun ang situation natin sa buhay, at dagdagan pa ng mga taong nasa paligid na naninisi. Nawawalan tayo ng pag-asa sa sobrang hirap, pero lagi nating alalahanin ang buhay ni Job. May pag-asa sa Panginoon. Mahirap magtiis pero buhay ang ating Diyos na nakikita lahat ng paghihirap natin.

Good morning ausome parents!

23/08/2025

I almost gave up, but a power that I can't explain
Fell from heaven like a shower now
I smile, even though I hurt see I smile
I know God is working so I smile
Even though I've been here for a while
I smile, smile
It's so hard to look up when you been down
Sure would hate to see you give up now
You look so much better when you smile, so smile-I Smile
Song by Kirk Franklin ‧ 2011

One of the reason why I 😊 smile 😊
Mahirap maging ausome parent pero sa hirap dun mo mararamdaman ang yakap at presensya ng Panginoon.♥️ So--SMILE😊

First of second😁First day of school, second SY 😁Akala namin maninibago Siya kc iba na teacher niya, pero hindi😁She was s...
16/06/2025

First of second😁

First day of school, second SY 😁
Akala namin maninibago Siya kc iba na teacher niya, pero hindi😁
She was so happy ♥️😁

Salamat sa Panginoon Kasi nilagay niya kami sa school na autism friendly😁♥️.

Alam naming matagal tagal pa ang process na aming bubunuin, pero Isa lang ang sigurado--ang pangako ng Panginoon ♥️♥️♥️

"For with God nothing shall be impossible.”


Address

Quezon City
1107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aut & Ism-Love Hope and Autism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share