Danniboy Palaboy

Danniboy Palaboy Photography and Videography

Bakbakan na!Mula sa kape at kasalan, isang karangalan ang masaksihan ang mga bagong sibol na mandirigma mula sa Fighting...
08/12/2023

Bakbakan na!

Mula sa kape at kasalan, isang karangalan ang masaksihan ang mga bagong sibol na mandirigma mula sa Fightingalley Fitness Gym.

Abangan nyo ang mga susunod na kabanata.

29/10/2023

Lung-hap sarap.

Nung Pandemic, bawas ang alindog ng karamihan dahil kailangang mag mask at mag face shield. Nakatipid sa lipstick ang kababaihan at nakatipid sa pang ahit ang kalalakihan.

Na-aalala niyo paba mga itsura natin nung pumutok ang pandemic? Eto oh ipapa-alala ko sa inyo.

Philcoa Overpass, Quezon City.Ito'y kuha ko nung Nobyembre 21, 2019 - 11pm.Tanaw sa kabilang bahagi ng overpass na ito a...
27/10/2023

Philcoa Overpass, Quezon City.

Ito'y kuha ko nung Nobyembre 21, 2019 - 11pm.

Tanaw sa kabilang bahagi ng overpass na ito ang mga landmarks noon na Jollibee, McDo, at Padis Point Philcoa. Na ngayo'y giniba na upang magbigay daan sa MRT-7 construction.

Sikat ang Philcoa dahil dito ang sakayan at babaan ng mga public transpo na rutang Fairview o San Mateo, Rizal. Andito ang murang mga karinderia't tiangge, at higit sa lahat madami din ditong nagtitinda ng murang cellphone pero walang charger.

Tuwing umuulan, kinukopkop ng overpass na ito ang maraming mananakay, barker, street vendors, at call center agents na nagyoyosi at nagtatago sa mga MMDA.

Ikaw, anong kwentong overpass mo?

Gets mo?Wala namang pakialam ang lahat sa inupload kong litrato ng tindero ng manok. Ang gusto ko lang sabihin, maging m...
25/10/2023

Gets mo?

Wala namang pakialam ang lahat sa inupload kong litrato ng tindero ng manok. Ang gusto ko lang sabihin, maging mapagpasalamat ka at may trabaho ka na marahil ay Work From Home pa.

Hindi madali lumabas, makipagsapalaran, at kumita ng pera.

Kung bibigyan lang natin ng pansin, kahit ang traffic light nagpapa-alala sating mag stop, look, and listen. Lunes palan...
23/10/2023

Kung bibigyan lang natin ng pansin, kahit ang traffic light nagpapa-alala sating mag stop, look, and listen. Lunes palang pagod kana, siguro kailangan mo mag stop, look and listen para i-review ang mga goals mo sa buhay :)

7pm Baesa, Quezon city.

Lansangan ng project 8, Baesa.Minsan nalang ulit nakahawak ng lente.Nakakamiss din mag photowalk.
16/10/2023

Lansangan ng project 8, Baesa.

Minsan nalang ulit nakahawak ng lente.
Nakakamiss din mag photowalk.

27/08/2023

Kapag mga ganitong long weekend, ang ELYU ang isa sa mga paboritong dalawin ng mga biyahero.

Hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang buhay pagkatapos ng pandemya at ng taong first time umapak sa surf board 😀
Para sa mas marami poang kwento:
https://youtu.be/uHdU2nSYBjk?si=Mun6axzpSeQ6wXxi

Pagod ka na ba sa work from home set-up mo? Hirap ka na ba minsan umuwi mula sa station mo papuntang kama? Naku, marami...
19/08/2023

Pagod ka na ba sa work from home set-up mo? Hirap ka na ba minsan umuwi mula sa station mo papuntang kama? Naku, maraming maiinggit sa pagod niyo 😀

Eto, may maikling kwento ako. Tungkol sa isang taong nagbakasakali sa pugad ng mga Konyo.

Kung nagustuhan niyo, pakipindot narin ang pulang buton 🫡

Ika nga super bago na kasabihan, 'Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan.'Kung isa kang kagaya ko na nagtatrabaho sa Makati, para sa'yo ang kwento na...

Bago matapos ang weekend, meron akong kwento para sa inyo. Hindi ito tungkol sa amin at hindi rin ito tungkol sa potogra...
13/08/2023

Bago matapos ang weekend, meron akong kwento para sa inyo. Hindi ito tungkol sa amin at hindi rin ito tungkol sa potograpiya.

Para sa mga first time parents, sana makatulong sa inyo ang nabahagi naming experiences. At para sa mga magulang na, salmat sa pakikinig sa kwento namin!

Sana magustuhan niyo ang kwento ko 🙂

Isang maliit na piraso ng kasiyahan.

Ang problema ay hindi ang problema, kundi ang ugali mo sa pag-aayos ng problema.Relax lang ka-palaboy, at enjoy natin an...
30/07/2023

Ang problema ay hindi ang problema, kundi ang ugali mo sa pag-aayos ng problema.

Relax lang ka-palaboy, at enjoy natin ang malamig na weekend!

23/07/2023

Siyudad ng oportunidad

Ang pangarap ay parang panlasa, subjective.

Kung ang pangarap ng ibang tao ay naiiba sayo, ganun talaga. Finger print nga natin hindi parehas eh.

Kaya kung anumang pangarap ang nagdala sayo dito, ingatan mo. Baka magulat ka sa kayang ialok sa'yo ng Maynila at makalimutan mo ang ipinuntan mo dito.

Halika at pakinggan mo ang kwento ko ka-palaboy, happy weekend 🙂

Para sa mga iba ko pang kwento 👇
https://www.youtube.com/

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Danniboy Palaboy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Danniboy Palaboy:

Share