14/04/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Naglilingkod-Bayan o Naglilingkod ba โYan?
๐๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ช๐ด๐ช๐ด๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ข๐ต-๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ-๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ?
Sa paglapit ng halalan sa Mayo 12, muling haharap ang bawat Pilipino sa mahirap ngunit makapangyarihang tungkulin ng pagpili ng mga bagong pinuno. Isang malaking desisyon ang magaganapโisang hakbang na magtatakda ng direksyon ng ating bansa.
Ngunit, sa tuwing dumarating ang halalan, tila ang mga kumakandidato ay sumasali sa isang malakihang talent showโmay pa-jingle, may pa-TikTok, at kung minsan, may samuโt saring ayuda pa. Pero ang tanong: talento nga ba sa paglilingkod ang hinahanap natin? O nadadala na lang tayo sa porma at pabida?
Ang totoo, marami sa mga kandidato ang hindi naman talaga para sa bayan. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, may mga politikong may kaso ng katiwalian, pero muling tumatakboโat malala, nananalo pa. Bakit? Dahil sa apelyidong kilala, kasikatang hatid ng TV at social media, o koneksyon sa mayayamang pamilya.
At hindi lang โyan. Pati ang mga party-list na dapat ay boses ng mga sektor na naaapi at nakakaligtaan ay pinasok na rin ng mga malalaking pangalan. Sabi nga ng Kontra Daya, 86 sa 156 party-lists ang hindi naman tunay na kinatawan ng marginalized sectors. Ibig sabihin, mahigit kalahati ay baka ginagamit lang ang sistema para sa pansariling kapakinabangan.
Halimbawa, mga party-list tulad ng 4PS, ACT-CIS, Duterte Youth, Tingog Sinirangan, Ako Bicol, FPJ Panday Bayanihan, at TGP ay may ugnayan umano sa mga political clan, negosyo, at militar. 4PS ay inuugnay sa pamilyang Abalos, ACT-CIS sa Tulfo at Yap, Tingog sa Romualdez, at FPJ sa mga Llamanzares at iba pang makapangyarihang angkan. Ang tanong: nasaan dito ang tunay na kinatawan ng maralita, manggagawa, o kabataan?
Hindi rin natin maaaring ipikit ang mata sa sunod-sunod na paglabas ng mga pahayag na hindi lamang bastos kundi malinaw na mapang-api. Kamakailan lang, ilang kandidato sa halalan 2025 ang nagbitaw ng malalaswang biro at mapang-abang mga komento sa kanilang mga panayam at pampublikong talumpatiโmula sa seksismo, ageism, hanggang sa body shaming. Habang patuloy itong kumakalat sa social media, dumarami ang panawagan para sa opisyal na paghingi ng tawad at kaukulang parusa. Bilang tugon, ang anti-discrimination panel ng Commission on Elections ay naglabas ng show cause orders laban sa mga kandidatong lumabag, patunay na hindi natin dapat palampasin ang ganitong asal. Dahil kung sa panahon pa lang ng kampanya ay ganito na sila magsalita, paano pa kaya kung silaโy maluklok sa kapangyarihan?
Dapat nating tandaan, lalo na ang kabataan sa susunod na henerasyon, na ang mga senador at kinatawan ay hindi lang palamuti o taga-abot ng ayuda. Sila ang gumagawa ng batas. Sila ang dapat tumindig para sa mga walang boses. Kaya kung ang iboboto natin ay hindi alam ang tunay na laban ng bayan, baโt pa natin sila pauupuin?
Ang mga ganitong pagkukunwari ang dapat nating basagin. Dahil ang boto ng masang Pilipino ay hindi premyong ibinibigay sa mga sikat, kundi responsibilidad na dapat ipinagkakaloob lamang sa mga tunay na nararapat. Ang mga senador ay hindi artista. Ang mga kinatawan ay hindi disenyo sa Kongreso. Sila ay tagapaglikha ng batas, tagapagtanggol ng karapatan, at tinig ng sambayanang Pilipino.
Kayaโt mahalaga ang papel ng botante, lalo na ng kabataang Pilipino. Sa panahong tila nilulunod tayo ng disimpormasyon, tayong mga kabataan ang kailangang maging ilaw ng katotohanan. Hindi sapat ang pagiging botanteโkailangan tayong maging mapanuri, mulat, at matatag. Dahil kung ang ating pamantayan sa pagpili ay kasikatan sa YouTube o dami ng followers sa TikTok, tayo na rin mismo ang nagtulak sa ating bayan sa bangin ng panibagong pagkabigo.
Panahon na para maging matalinoโt mapanuri. Hindi sapat ang galing sa kamera o dami ng followers. Mas mahalaga ang integridad, track record, at platapormang may laman. Huwag tayong paloko sa kasikatan nilang dala. Alamin kung sino ang tunay na may malasakit. Ang edukasyon at kamalayan ng mga botante at ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon ay susi upang makapili tayo ng mga pinunong tunay na maglilingkod sa bayan.
Bunsod nito, nasa ating mga kamay ang kapangyarihang baguhin ang takbo ng ating bansa. Sa darating na Mayo 12, gamitin natin ang ating kapangyarihan. Sa bawat balota, may kapangyarihang baguhin ang kinabukasan. Sa bawat bilog ng itim na tinta, naroon ang pagkakataong piliin ang tama, ang totoo, at ang tapat.
Piliin ang mga lider na talagang magsisilbi, hindi lang magsiselfie. At sa bawat tanong kung sino ang iboboto, itanong mo muna sa iyong sarili: โNaglilingkod bayan ba talaga โyan?โ Kung hindi, marapat lang na huwag nating iboto. Huwag nating hayaang malinlang tayo ng mga nagbabalat-kayong lingkod-bayan.
Isinulat ni: Andrei De Vera
KartEd ni: Junar Borres