15/04/2026
๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ค๐ฉ๐ค๐๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ
Masarap sa pakiramdam kapag alam mo na kahit pabarya barya ay nakakapag subi ka dahil alam mo na kapag nangailngan ka meron ka paring pagkukunan..
Papiso-piso, lima-limang piso at pabente-bente... Barya oo barya pero malaking bagay na para mga taong sapat lang ang kinikita pang araw-araw..
Tayong mga lumalaban at gumigising kada araw para siguraduhin na kinabukasan ay meron pa tayong makakain lalo na ang ating mga mahal sa buhay..
Pero nakakalungkot lang isipin na kung ang mga normal na pilipino ay kinakapos pa kahit araw araw pa mag trabaho, meron naman iilan na nabubuhay sa pinag hirapan ng ibang tao.... Ang pabarya-barya na ating iniipon, para sa kanila wala ng halaga dahil ang sa kanila ay buo at bulto-bultong halaga na kahit hindi nila pinag hirapan ay walang pagod nilang nakukuha...
Kung tayo hirap mag isip kung pano malalamanan ang walet na hindi mapuno puno, sila naman ay hirap mag isip kung saan ilalagay ang mga pera daig pa ang tubig kung dumaloy....
Hirap na sa buhay pero mas lalo pang pinahihirapan....
Kung sino pa ang mga patas kung lumaban sa hamon ng buhay, sila pa yung kinakaltasan para lang mapakinabangan ng mga gahaman... Mga batas na ginawa para pasunurin ang mahihirap pero para protektahan ang mayayaman...
Barya lang yan oo.... Pero pantawid buhay yan ng mga tao...
-PitikAtTravel