11/09/2026
𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐋𝐀𝐍! 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐋𝐀𝐊 𝐊𝐀, 𝐎 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐘𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐋𝐀𝐆𝐑𝐎𝐒𝐀! 🌾✨
Bilang isang bayang sumisinta kay Maria, malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mga deboto at mananampalataya sa ating Parokya sa pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolo mula sa Pandaigdigang Dambana ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (The Antipolo Cathedral) sa darating na ika-20 hanggang ika-26 ng Setyembre.
Halina't salubungin ang Mahal na Reyna! Ang Birhen ng Antipolo! Ang Ina nating mga Pilipino!
Viva La Virgen! Viva La Reina de la Paz!
𝐓𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐊𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍:
✠ SETYEMBRE 20, 2026
03:00 N.H. • Motorcade, Pagsalubong sa Imahen, at Pagluluklok sa Mahal na Birhen
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠: Rdo. P. Wyntelxnou Michikko G. Avila, Bikaryo Paroko
✠ SETYEMBRE 21-24, 2026
06:00 N.U. • Banal na Misa
05:00 N.H. • Pagdarasal Nobena at Rosaryo sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
06:00 N.G. • Banal na Misa
**Bukas ang ating Dambana mula ika-6 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi para sa pagdalaw sa Birhen ng Antipolo.**
✠ SETYEMBRE 25, 2026
06:00 N.U. • Banal na Misa
05:00 N.H. • Pagdarasal Nobena at Rosaryo sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
06:00 N.G. • Banal na Misa
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠: Rdo. P. Majorey O. Padilla, Bikaryo Paroko, Pandaigdigang Dambana ng Mahal na Birhen ng Antipolo
07:00 N.G. • "Alay Awit kay Maria": Serenata sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
✠ SETYEMBRE 26, 2026
05:00 N.H. • Banal na Misa at Rito ng Pamamaalam
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠: Rdo. Msgr. Dario V. Cabral, P.C., Rektor at Kura Paroko
07:00 N.G. • Maringal na Prusisyon