08/03/2026
๐
๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐, ๐ญ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ '๐๐๐ซ๐จ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐ ' ๐ฌ๐ ๐ค๐ฎ๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐-๐ ๐ฌ๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ
โPOLOMOLOK, SOUTH COTABATO โ Isang matapang na hakbang patungo sa "sustainable energy" ang isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Polomolok upang tuluyang makalaya sa mataas na bayarin sa kuryente at pabago-bagong presyo ng petrolyo.
โSa isang panayam sa media, inihayag ni Mayor Bernie Palencia na naglaan ang munisipyo ng P25 milyon para sa pagpapatayo ng mga solar panel roofing sa municipal hall at sa grandstand ng bayan.
โ
โAyon kay Mayor Palencia, ang proyektong ito ay hindi lamang para sa kalikasan kundi isang matalinong "long-term investment" para sa kaban ng bayan. Sa kasalukuyan, umaabot sa P1.6 milyon hanggang P2 milyon ang binabayarang kuryente ng munisipyo kada buwan.
โ"Kasi currently, we are paying more or less P1.6 to P2-million on power consumption every month. So, nakita nako, in 4-5 years time, may return of investment... so six years onward, halos wala na ta gabayad og kuryente o gamay na lang," paliwanag ni Palencia.
โ
โIpinaliwanag din ng alkalde na ang paglipat sa solar energy ay istratehikong hakbang laban sa epekto ng mga kaguluhan sa Middle East at iba pang oil-producing countries na nagreresulta sa biglaang pagtaas ng presyo ng krudo.
โSa pamamagitan ng solar power, target ng Polomolok na magkaroon ng sariling mapagkukunan ng enerhiya na hindi apektado ng pandaigdigang krisis sa langis, habang isinusulong ang mas malinis at mas murang serbisyo para sa mga mamamayan.