Sinebayan Productions

Sinebayan Productions Official Social Media Team of Sangguninang Kabataan ng Santolan

π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—§ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—˜: SALUBONG 2026Nagtipon ang lahat sa Barangay Hall ng Santolan, Pasig City upang ipagdiwang ang tradisyuna...
05/04/2026

π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—§ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—˜: SALUBONG 2026

Nagtipon ang lahat sa Barangay Hall ng Santolan, Pasig City upang ipagdiwang ang tradisyunal na Salubong tuwing Linggo ng Pagkabuhay, na siyang sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Hesus at sa muling pagtatagpo nila ng Birheng Maria.

Binibigyang-diin hindi lamang ang relihiyosong aspeto ng tradisyon kundi para matanto rin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na pagpapahalaga ng kultura mula sa unang henerasyon patungo sa susunod.


π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—§ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—˜: INDAYOG SA 30TH PAKALOG FESTIVAL 2025Matagumpay na ipinagdiwang ang 30th Pakalog Festival 2025, isang ma...
11/01/2026

π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—§ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—˜: INDAYOG SA 30TH PAKALOG FESTIVAL 2025

Matagumpay na ipinagdiwang ang 30th Pakalog Festival 2025, isang makulay na selebrasyon ng kultura, tradisyon, at pagkakaisa ng mga SantoleΓ±o.

Ibinabahagi ngayon ng Sinebayan Productions ang mga nakatatak na sandali mula sa bawat indak, ngiti, at sigaw ng saya na nagbigay-buhay sa kahabaan ng Santolan.

Muling pinatunayan ng Pakalog Festival na sa sama-samang pagkilos at pagmamahal sa kultura, patuloy na magiging buhay at makulay ang ating pagkakakilanlan.


11/01/2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž-𝗧𝗔𝗑𝗔π—ͺ

Pagbalik-tanaw, dalawang linggo matapos ang Gabi ng Parangal 2025β€”isang sukli ng pagsisikap at tulay tungo sa gusto pang makamit na pangarap ng Kabataang SantoleΓ±o.

Sinimulan ang video na ito nang may dedikasyon, puso, at pagkakaisa. Mula sa pagbuo ng ideya hanggang sa huling sandali ng programa, ramdam ang kakayahan, talento, at determinasyon ng bawat isa.

Mula sa puso ng Sinebayan Productions, maraming salamat sa tiwala at suporta. Sa mga tao sa likod ng programang ito, lalo na sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan. Ang bawat sandali ng paggawa ng video na ito ay nagpatibay sa aming paniniwala na ang talento at dedikasyon ng kabataan ay dapat ipagdiwang at ipagmalaki.

Ang nakamit na parangal ng bawat isa ay nagsilbing inspirasyon ng Sinebayan Production, simula sa naging proseso ng paglikha na may kasamang kwentuhan at pagtutulungan na nagbigay-buhay sa naggawang video.

Upang makita ang serye ng mga video na likha ng Sinebayan para sa makabuluhang programang ito, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan.

Mula sa Sinebayan Productions, maraming salamat at mabuhay ang kabataang SantoleΓ±o!

SA LIKOD NG LENTE | Gabi ng Parangal 2025Sa bawat sulyap sa likod ng lente, nabubuo ang mga larawang sumasalamin sa dedi...
31/12/2025

SA LIKOD NG LENTE | Gabi ng Parangal 2025

Sa bawat sulyap sa likod ng lente, nabubuo ang mga larawang sumasalamin sa dedikasyon, husay, at kakayahan ng mga natatanging Kabataang SantoleΓ±oβ€”mula sa sining, agham, isport, edukasyon, adbokasiya, hanggang sa pamumuno sa komunidad. Patunay ito na ang tagumpay ay bunga ng tiyaga, pagkamalikhain, at taos-pusong malasakit sa kapwa.

Sa paggawa ng Gabi ng Parangal 2025 video, tunay na humanga ang Sinebayan Productions sa ningning ng inyong mga mata habang ibinabahagi ang mga kwentong puno ng sakripisyo, pangarap, at tagumpay.

Patuloy na susuportahan ng Sinebayan Productions ang bawat indibidwal na gumagamit ng kanilang talento bilang daan upang makatulong at magbigay-inspirasyon sa iba.

Pagpupugay sa lahat ng tumanggap ng parangal. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang inyong mga tagumpay ay hindi lamang personal na panalo, kundi liwanag na maaaring gumabay sa iba tungo sa kanilang mga pangarap.

Kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan, ipinagmamalaki ng Sinebayan Productions ang pagkapanalo ng KoneKit...
18/12/2025

Kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan, ipinagmamalaki ng Sinebayan Productions ang pagkapanalo ng KoneKita at Youth Emergency Response and Resiliency Program (YERRP) sa Project Awards Category ng Seal of Good Youth Governance!

Mula sa Sinebayan Productions, kami ay nagagalak sa parangal na ito bilang naging parte sa pagbuo ng mga proyektong ito. Nasuklian ang pagod, sakripisyo, at talento ng pagkilala sa proyektong nabuo.

Ito ay simula pa lamang ng tagumpay, para sa mas marami pang aktibong programa at oportunidad ang magbubukas na aabangan pa.

Address

Pasig
1610

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinebayan Productions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share