24/06/2026
๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ ๐๐๐๐ฎ ๐ก๐ผ๐. ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ. ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ.
Ilang araw bago siya pumanaw, nagkausap pa kami sa text. Pinaplano ko siyang bisitahin at pumayag naman siya. Hanggang ngayon, may panghihinayang pa rin ako na hindi ko iyon nagawa agad. Akala ko marami pa kaming oras para magkuwentuhan at magkumustahan.
Marami ang nakakakilala kay PNoy bilang Pangulo. Pero para sa akin, siya rin si Kuya Noy na napakasimple, mahiyain, at mas komportable sa likod ng kamera kaysa sa harap nito. Bukod sa pagiging pinsan, itinuring ko rin siyang mentor. Noong unang termino ko bilang Senador, may mga panukalang batas at isyung madalas naming pag-usapan, minsan pagdebatehan pa. At lagi kong pinapahalagahan ang bawat pagkakataong iyon.
May mga bahagi rin ng kanyang pagkatao na hindi gaanong nakita ng publiko. Sobrang partikular si Kuya Noy sa mga detalye at numero. Mahilig siyang magbasa ng kasaysayan at kultura ng iba't ibang bansa at ikumpara ang mga ito sa mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas. Interesado rin siya sa mga usaping pandaigdig at kung paano naaapektuhan ng mga ito ang ating bansa. ๐๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ, ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ.
At tulad ng marami, mahilig din siya sa musika. Naaalala ko pa noong bumisita ako sa Malacaรฑang upang pag-usapan ang isa sa aking mga panukalang batas. Bago dumating ang iba, sinabi niya sa akin, โ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ โ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ต๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ค๐ฆ ๐๐ฆ๐จ๐ถ๐ฆ๐ณ๐ณ๐ข.โ Pinatugtog niya ito. Tapos pinatugtog ulit. At pagkatapos, isa pang beses. Audiophile talaga si Kuya Noy. Mga simpleng alaalang mas lalo kong pinahahalagahan ngayon.
Kay PNoy, muling natutong mangarap ang marami nating kababayan dahil ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐๐บ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐. Yung โ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฐ๐ด๐ด ๐ฌ๐ฐ,โ โ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ,โ at โ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ฏ๐จ-๐ธ๐ข๐ฏ๐จโโhindi โyon mga slogan lang. Siya talaga โyon. Naniniwala siya na dapat nangingibabaw ang taumbayan sa mga pulitiko, na dapat may pananagutan ang bawat pinunong pinagkatiwalaan ng bayan, at na walang puwang ang pag-aastang hari-harian sa gobyerno. ๐๐๐ป๐ด ๐ด๐๐๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ ๐ฃ๐ก๐ผ๐, ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด '๐๐๐ป.
Sa panahon niya, nakita natin ang isang pamumunong tahimik pero masipag, hindi perpekto pero buong pusong nagsikap maging tapat. Lumakas ang ekonomiya, mas maraming nagkaroon ng trabaho, at naisulong ang mahahalagang reporma sa health care, edukasyon, at iba pang sektor. Marami siyang mabuting nagawa para sa bansa, pero bihira niya iyong ipagmalaki.
Kaliwaโt kanang isyu ang ipinukol kay Kuya Noy, lalo na matapos ang kanyang termino. Ilang beses ko siyang inudyukan na kontrahin ang mga paratang at fake news laban sa kanya. Pero ang lagi niya lang sinasabi sa akin: โ๐๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฎ๐ฐ, ๐๐ข๐ฎ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ด ๐ฅ๐ช๐ฏ โ๐บ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ฐ๐ต๐ฐ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช.โ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ต๐๐น๐ถ-๐ต๐๐น๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Ipinakita rin ni Kuya Noy ang kahalagahan ng pagtataya. Na ang bawat pagtaya ay may kaakibat na pagtitiwalaโsa isaโt isa, sa ating mga institusyon, at higit sa lahat, sa taumbayan. Tumaya ka hanggaโt kaya, hanggaโt may tsansa, at hanggaโt nasa tama.
Limang taon man ang lumipas pero nananatiling mahalaga ang mga aral na iniwan niya: na may halaga ang katapatan, na may saysay ang pananagutan, at na ang tunay na pamumuno ay hindi tungkol sa kapangyarihan kundi sa paglilingkod. Higit sa lahat, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Maraming salamat, Kuya Noy. Patuloy naming dadalhin ang mga aral na iniwan mo sa amin. ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ถ๐๐ ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป.