10/05/2026
Takot, iyak, at pagkawala, muling bumalot sa Valley 1, Parañaque City matapos sumiklab ang panibagong sunog.
Ilang pamilya ang nawalan ng tahanan ngayong tanghali nang mabilis na kumalat ang apoy sa mga magkakadikit na bahay. Dahil sa tindi ng sitwasyon, agad itong itinaas sa THIRD ALARM habang sunod-sunod na rumisponde ang mga bumbero at emergency teams mula sa iba’t ibang lugar.
Sa likod ng makapal na usok ay mga residenteng muling humaharap sa trauma, pangamba, at panibagong pagsubok. Patuloy nating ipagdasal ang kaligtasan ng lahat at tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng insidenteng ito.
📸: Jerald Nolasco / Jerald Photography
̃aquecity