09/07/2026
4 PICS 1 WORD
Story Time -
Pic #1 Si Lesh- Reichelle Arellano, churchmate namin, bunso sa tatlong magkakapatid na itinaguyod ng kanilang ama na ilang taon ng naghahanapbuhay sa ibang bansa- sa wakas bachelor's degree holder na silang lahat.
Pic #2 - Si Eleazar, wala akong personal knowledge sa kanya, pero sa pagtaas pa lang ng medalya ng kanyang ama, di natin kailangang ipaliwanag ang saya at pagkaproud na kanyang nadarama.
Pic #3- Si Laine, personal ko siyang kilala dahil naging student ko sya, mahusay, magaling, dedikado, matalino, Im very sure super happy si Sir Arnel sa taas habang umaakyat ka pa lang ng entablado.
Pic #4- Si Xybelle, yung tatay nya actually yung kilala ko, workmate namin si Kuya Albert nung working student pa lang ako sa Jollibee Nasugbu, at until now andun pa din sya.
Apat na larawan isang kahulugan- AMA
Wala man dito sa post namin ang larawan niyo,
Tandaan mo, sobrang proud ang mga tatay nyo, maaring showy sila or hindi, pero masaya sila sa kung anong napagtagumpayan ninyo, cm laude man o hindi, at mas lalong higit ang saya at pagkaproud ng Ama nating nasa langit.
Maaring malayo man sila para magtrabaho, kasama natin araw-araw or maaga ng namahinga, masaya sila para sa inyo.
and Yes this is very reason why me and my team pursue on collecting memories, this is also the sole reason why our page's name is "Happi HEarts Co.", kasi it makes our hearts happy seeing our gift in photography turns every fleeting moments into a lifetime memories for the people we serve.