01/10/2024
"Tiyak"
October 4, 2024 ▶️
Pre-save link: https://bfan.link/tiyak
Tulad nga ng aming pagpapakilala, ang Kitá Saná ay isang homegrown photo, video, at music production na nagdodokumento ng mga elopements at intimate weddings. At ang Kitá Saná ay bunga ng pagmamahal ni Khryss at Ange sa sining-biswal, musika, at pag-ibig.
May mga litrato nang nailabas, ilang mga videos at mga susunod pa. Kaya ngayong October 4 naman ay maglalabas kami ng isang awitin.
"Tiyak"
Ang Tiyak ay isang awiting patungkol sa kung ano ang pagmamahal. Bagaman personal kay Khryss at Ange, hango rin ito sa kwento ng pag-ibig nina Juls at Erik. Itong awitin ding ito ang main soundtrack ng documentary wedding video ng elopement nina Juls at Erik na siya namang ipapalabas ngayong Oktubre.
Sa ngayon, iniimbitahan namin kayong i-pre-save ang "Tiyak" at pakinggan ito sa kahit anong streaming platforms ngayong October 4, 2024.
Isa lamang ito sa maraming pang awiting lilikhain at ilalabas. Lahat galing, patungkol, at patungo sa pag-ibig.