08/09/2026
Mga Hindi Inaasahang Pagkikita
POV ni Joshua
Balak ko lang sana magkape ngayong araw pero nagkugulatan na lang kami ni Hndsm RJ na pareho pala kaming nasa Festival. Tamang kwentuhan patungkol sa buhay na dati ay kwentuhan lang patungkol sa eskwela, nakaka-miss maging estudyante.
May mga nakilala rin kaming mga estudyante na nagpakuha ng larawan at dahil wala ako sa mood, si bosing ang humawak ng camera.
POV ni RJ
Galing akong interview sa trabaho na pinapasok ko at naisip kong dumaan sa festival dahil gutom nako at wala pang kain, at napag alaman ko na ang aking best buddy sugar plum na si Joshua Rivera ay nasa festival din kaya napagdisisyunan namen na magkita at yon ang simula ng mahaba-habang kwentuhan. Sa aming pagiikot naisip ko na subukan kaya nameng pumitik ng random na tao at boogsh ayan na ang mga litrato.
PS.
Happy birthday kay bossing na nakasuot ng 'bathing ape' na damit.
📸: Rhel Tumbay (Hndsm RJ)