Lakbay Photography

Lakbay Photography Photography and Poetry
"Libangan sa PaglaLAKBAY📸👣"

Ikaw ang ngayon ng aking kahaponAt ngayon ng aking bukasAt KUNG ANG LAHAT MAN AY MAY WAKASANG MAKAPILING KA HANGGANG SA ...
21/12/2025

Ikaw ang ngayon ng aking kahapon
At ngayon ng aking bukas
At KUNG ANG LAHAT MAN AY MAY WAKAS
ANG MAKAPILING KA HANGGANG SA DULO
ANG PIPILIIN KONG KATAPUSAN
- Jan Rae

Larawan nina: Jan Rae Quiton at IJ Macayan
📍 Camp Uno Mountain View, Tanay Rizal
🗓️ May 8-9, 2025





Iisang kalangitan ating tinatanawIisang lupa ating tinatapakanIisang likha ngunit iba-iba ang pinagdaraananSa magkakaiba...
05/09/2024

Iisang kalangitan ating tinatanaw
Iisang lupa ating tinatapakan
Iisang likha ngunit iba-iba ang pinagdaraanan
Sa magkakaibang hamon ng buhay na ating nararanasan

Iba-ibang unos at bagyo man ang dumaan
Laging isipin muling sisikat ang araw
Sa mga kaluluwang di mapalagay at tila naliligaw
Mayroon SIYANG sa paglapit mo'y nag-aantay

MONTH

Ika'y kaibig-ibig!
Ika'y katangi-tangi!
Ang buhay mo'y mahalaga, hindi lang ngayon kundi maging bukas at magpakailanman.
Hindi ka nag-iisa.

Paki-kamusta niyo naman siya. Malay mo ikaw lang ang inaantay nya♥️

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG DEDIKASYON!
05/09/2024

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG DEDIKASYON!

Pagpupugay para sa aming mga g**o!

Ang SaMaFil ng Muntinlupa National High School-SHS ay nakikiisa sa pagdiriwang ng "National Teachers' Month" ngayong ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre na may temang:

Together 4 Teachers:
Appreciation, Admiration, Approval, and Attention"

Mabuhay ang mga g**o ng MNHS!
Mabuhay ang mga g**ong Pilipino!





Gerald & Christine 💒💍💑📍 Mary Cause of our Joy Parish🗓️ April 4, 2024
05/04/2024

Gerald & Christine 💒💍💑

📍 Mary Cause of our Joy Parish
🗓️ April 4, 2024




BABAE TAYO! MALAKAS, KAIBIG-IBIG AT KATANGI-TANGI.
07/03/2024

BABAE TAYO! MALAKAS, KAIBIG-IBIG AT KATANGI-TANGI.



Hindi nakabase sa haba ng iyong salawal
ang respetong dapat na sa iyo’y ibigay
nitong lipunang ikaw mismo ang nagluwal,
at pinag-aalayan mo ng purong pagmamahal.

Hindi nakabase sa papuri nilang mga lalaki
ang halaga at ambag ng iyong uri,
hindi sila ang magdidikta kung ano ang dapat mong pinta
at lalong hindi kung ano ang dapat mong hulma.

Hindi nakabase sa liit ng bewang,
at laki ng balakang
o tambok ng iyong dibdib at puwetan
ang taglay mong kagandahan,
at ang natatangi mong kalakasan.

Walang sinoman ang dapat na mangmata
ng tagumpay at mga sakit mong binata,
ang talino mo’y mula sa sariling isipan
at ang parangal ay para sa iyo lamang.

Tumindig ka’t umabante
sapagkat ikaw ay hindi lamang basta babae,
babae kang maganda’t malakas
bahagi ka ng pagsulong ng nakaraan
at ng ngayon patungo sa bukas.

--Malakas si Maganda (Jabo 03|02|21; 12:57pm)

REI AND JESICA💒💍💑📍Rhapsody Residences, East Service Rd. Sucat, Muntinlupa City🗓️ March 03, 2024
07/03/2024

REI AND JESICA💒💍💑

📍Rhapsody Residences, East Service Rd. Sucat, Muntinlupa City
🗓️ March 03, 2024


07/03/2024

May ibig ipakahulugan nga sig**o ang langit. Sa kung paano ka pinapanatag ng dapit-hapon at sa kung paano ako nito binabagabag.

—Jb

📸 Lakbay Photography

"PAMILYA"PAG-IISANG DIBDIB💒💍💑REI AND JESICA📍 Rhapsody Residences, East Service Rd., Muntinlupa City🗓️ March 03, 2024 &ba...
06/03/2024

"PAMILYA"

PAG-IISANG DIBDIB💒💍💑
REI AND JESICA

📍 Rhapsody Residences, East Service Rd., Muntinlupa City
🗓️ March 03, 2024

&batara



Sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasanSa bawat paglipat ng kalendaryo sa kasunod n pahinaSa bawat paglubog at pagsikat ni ...
05/03/2024

Sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan
Sa bawat paglipat ng kalendaryo sa kasunod n pahina
Sa bawat paglubog at pagsikat ni haring araw
Sa bawat pagsilip at pagtatago ng buwan
Mayroon lang dalawang oras at panahon na nais makapiling ka,
Ito ang NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.

✒️Lakbay Poetry

PAG-IISANG DIBDIB💒💍💑
REI AND JESICA

📍 Rhapsody Residences, East Service Rd., Muntinlupa City
🗓️ March 03, 2024

&batara



Address

Muntinlupa City

Telephone

+639952708032

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lakbay Photography posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lakbay Photography:

Share

Category