Thoughts by I

Thoughts by I passion project

“Tara! Kain tayo.”Ang mga katagang “Tara! Kain tayo.” ay hindi lang payak na pag-aya. Hindi lang ito basta paglabas ng s...
16/04/2026

“Tara! Kain tayo.”

Ang mga katagang “Tara! Kain tayo.” ay hindi lang payak na pag-aya. Hindi lang ito basta paglabas ng salapi. Hindi nito layuning ipagmalaki ang anumang nakamit sa loob ng linggong nagdaan. Nais nitong magbigay puwang sa panandalian ngunit kinakailangang kalma.

Noong mga bata pa tayo, simple lang ang ating kaligayahan at mabilis lang tayong tumahan. Noon, hindi tayo makapaghintay na lumaki at magkaroon ng maraming kakilala, subalit hindi pala kailangang hintayin na mangyari iyon bago makamit ang tunay na kasiyahan. Ngayon, hindi na tayo mga paslit; gayunpaman, nangungulila tayo sa mga kaibigang nagpapaalala sa ating kamusmusan at sa ligaya ng pagkain ng taho at sorbetes.

Kaya ang mga salitang “Tara! Kain tayo,” “Tara! Kape tayo,” o “Tara! Labas tayo” ay hindi pagtakas. Ito ay tila pagbalik sa ating pagkabata, kung saan hindi pa komplikado ang ating kaligayahan at mabilis pa tayong tumahan.

Sa bawat sugnay na aking pinag-uugnay,napagtatanto ko kung bakit ako sumusulat.Sasapat na kaya ang mga piling salitapara...
16/04/2026

Sa bawat sugnay na aking pinag-uugnay,
napagtatanto ko kung bakit ako sumusulat.

Sasapat na kaya ang mga piling salita
para sa pahayag na nais maipadala?

Ang ingay ay humuhupa.
Ang daldal ay humihina.
Malilim man o tirik ang araw,
ipapadama ko ito
sa isang masining na paraan.

Magbasa pa:

writings inspired by summer

sa daan ko pauwiIlang beses kong napansin ang buwan sa daan ko pauwi. Lumipas ang mahabang araw. Ang hapdi ay nasa aking...
14/04/2026

sa daan ko pauwi

Ilang beses kong napansin ang buwan sa daan ko pauwi. Lumipas ang mahabang araw. Ang hapdi ay nasa aking paa at ang bigat ay narito pa subalit hindi ito hadlang upang tanawin ko ang nagpapaliwanag ng gabi. Hindi ko na kinakailangan ng balabal sapagkat tag-init na naman.

Pansin kong ako ay nag-aapura kahit hindi naman dapat. Sinanay ko ang mga maliliit kong paa sa malalaking hakbang subalit may nagpapahinto pa rin sa akin. Hindi ko napigilang titigan ang hugis ng buwan sa tuwing nagmumukha itong ilaw sa tabi ng madilim na higaan.

Kung ako ay gagawa ng isang pulseras, lalagyan ko ito ng disensyong kawangis ng buwan bilang palatandaan na hindi palaging lamang ang mabilis at hindi kailangan ng labis-labis na sinag upang maging bukod-tangi.

⋆⭒˚.⋆🪐 ⋆⭒˚.⋆

hindi ito tungkol sa kape ☕︎Akala ko marami akong masasaksihang pagwawakas ng pagkakaibigan...ngunit paano sila matatapo...
14/04/2026

hindi ito tungkol sa kape ☕︎

Akala ko marami akong masasaksihang pagwawakas ng pagkakaibigan...
ngunit paano sila matatapos kung ang iba sa kanila ay wala namang simula?

Patuloy kong iniwang walang balakid ang pintuan para sa bago subalit hindi pala kailangang bantayan sa tuwina kung sinuman ang papasok o lalabas dito. Naubos ang oras ko kakahintay na mapuno ang pitsel na hinanda ko pero mayroon naman palang tasa ng kape na tinimpla para sa akin.

Isa sa mga kapabayaan ko ay hayaang bahagyang lumamig ang kape kaya mula noon, hindi ko na hinahayaang maiwanan ang tasang nandyan na sa aking harapan.

Hindi ko na pinapabayaang mawala ang init ng inuming ito.

Hindi lamang ito tungkol sa kape.

P**a ang arawPumupula na ang araw.Kanina pa ako dapat nasa bahayngunit nakatutuwang maiwan sa labas ng ganitong oras, pi...
10/04/2026

P**a ang araw

Pumupula na ang araw.
Kanina pa ako dapat nasa bahay
ngunit nakatutuwang maiwan sa labas ng ganitong oras,
pinapanood ang galaw ng mundo.
Nakakahapong magpaikot-ikot sa senaryong
hindi kayang hindi ipinta ng aking isipan
kaya ako umaakda.
Sa bawat sugnay na aking pinag-uugnay,
napagtatanto ko kung bakit ako sumusulat.

Sasapat na kaya ang mga piling salita
para sa pahayag na nais maipadala?

Ang ingay ay humuhupa.
Ang daldal ay humihina.
Malilim man o tirik ang araw,
ipapadama ko ito
sa isang masining na paraan.

⋆。゚🌅゚。⋆

Summer nightsYour silence will impel you to scream in writing. When your eyes have spent weeks sobbing, it is time to pu...
10/04/2026

Summer nights

Your silence will impel you to scream in writing. When your eyes have spent weeks sobbing, it is time to put ink on the paper. It had been pouring inside your head for months; however, nobody knew until they saw the art you drew. Summer nights are still chaotic, but calm days follow them nonetheless.

Some allowed themselves to be the most misunderstood person in the room by not revealing their side of the story. I can never fully understand their rationale, though, I can resonate with how they protect their peace like jewelry. Some have been quiet for they have found other creative means to be loud. Others stood, memorizing the person they loved.

⭒₊ ⊹🌕₊ ⊹⭒

10/04/2026

support local vendors

Ayos lang magsimulang ulit.Bumalik tayo sa umpisa kung saan payapa ang daigdig at wala kang kabi-kabilang gampanin. Ito ...
02/04/2026

Ayos lang magsimulang ulit.

Bumalik tayo sa umpisa kung saan payapa ang daigdig at wala kang kabi-kabilang gampanin. Ito iyong payak na hapon kung kailanan nagkukulay kahel ang sinag na tumatawid sa iyong bintana. Nararapat lang na masanay ka sa mga panahong hindi na kasing-ingay o kasingligalig ng dati.

Kay daming pagkakataon na pinagpilitan mong magkaroon ng puwang sa mga lugar na akala mo ay makulay at masaya. Ngayon, natauhan ka na kaya ang mga bakanteng iyon ay hindi mo na hinanap pa. Sinabi mo sa sarili mo na hindi pala dapat kasanayan ang mga tingin at pananalitang iyon at na maaari nang bitawan ang mga lumang pangarap.

Natural lang na magbago ka at ang mundong ginagalawan mo. Kuhang-kuha ko pag sinabi mong gusto mo magpag-isa ngunit samahan mo naman ako kapag papakinggan na natin ang kwento ng mga alon.

“Wala masyadong nanonood ng palabas na ito.”“Wala masyadong pumipili ng flavor na ito.”Nabanggit ko na ba sa iyo na hind...
20/03/2026

“Wala masyadong nanonood ng palabas na ito.”
“Wala masyadong pumipili ng flavor na ito.”

Nabanggit ko na ba sa iyo na hindi ka man paborito ng madla ngunit pipiliin kita sa kabila ng napakaraming ibang nakabalandra?

Hindi ka magugustuhan ng lahat subalit hindi ito nangangahulugang wala nang makikinig sa’yo. Minsan, hindi mo na kailangang pumunta sa harapan para mapansin ka. Sapat na ang mga salitang iwinika mo para matandaan ka. Isipin mo ang mga sining sa isang museo. Umaapaw at tabi-tabi sila pero mayroong iisa na pupukaw ng iyong pansin at hindi mo ito kaagad malilimutan.

Hindi rin palaging mapalad ang maging paborito ng publiko. Madalas ay nakikigaya lamang sa uso ang iba sa kanila. Sa paglipas ng panahon, maaari ring mapalitan ng p**t ang mainit na pagtanggap, kung kaya’t katanggap-tanggap pa rin kahit hindi ka kinagigiliwan ng lahat.

Nasabi ko na ba sa iyo na hindi mo kailangan makamit ang titulo ng pagiging paborito ng karamihan para mapatunayan ang iyong halaga?

Ito ay dahil mayroong pa rin nakakakita sa iyo.

20/03/2026

Ngayon ay walang pasok
at napagtanto ko ulit ang galak sa pagiging hindi abala.
Kailangan mo rin ng panahong huminga
at mga araw na pwede kang humiga,
tumakbo o magsulat.
Ayos lang kahit walang ibang dapat puntahan sa araw na ito
Ayos lang kahit wala kang bago at detalyadong kwento.
Hindi ito kabawasan.
at lalong hindi ito kababawan.

You may be small-bodied,but you are not a nobody.You are a fascinating glimmer of hope.Look at you, showing up andstayin...
07/03/2026

You may be small-bodied,
but you are not a nobody.
You are a fascinating glimmer of hope.
Look at you, showing up and
staying soft despite the cold walls that enclose you.
You shut your eyes to escape the frozen regard;
however, this time, lift your chin
and allow your gaze to meet the one who waits.

To someone, you are not a heavy load.
Your heart overflows with great tenderness.
You teach the world to emerge
regardless of the presence of fright and agony...

for that is what living is—holding on until the warmth finally settles.

Address

Marilao

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm
Saturday 7am - 4pm
Sunday 12pm - 7pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Thoughts by I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category