18/08/2026
𝐁𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐊𝐒𝐀 | Isang Taon ng Pag-alala at Panalangin para kay Lemuel Rolan N. Aguel
Sa paggunita sa unang anibersaryo ng pagpanaw ng ating minamahal na si Lemuel Rolan N. Aguel, muli nating iniaalay ang ating mga panalangin para sa kaniyang walang hanggang kapayapaan.
Taimtim na idinaos ang isang Banal na Misa para sa kaniyang kaluluwa ngayong araw, ika-18 ng Agosto, ganap na ika-4:00 ng hapon sa St. Raphael Chapel ng Sanctuario De San Miguel De Marilao ng parokya. Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa simbahan na buong pusong nakiisa sa pananalangin at pag-alaala.
Taus-pusong nagpapasalamat ang pamilya sa lahat ng dumalo, nag-alay ng misa, at patuloy na sumusuporta sa pamamagitan ng panalangin. Nawa'y patuloy na mabuhay ang kaniyang alaala sa ating mga puso.
Requiem aeternam dona ei, Domine, et lux perpetua luceat ei. Requiescat in pace. Amen.