22/11/2026
I - Tula Mo Na!
By: Doc JD
"Ang mgs Emoji"
Natutuwa ako sa mga emoji
Salamat sa nakaisip nito kasi
Nagbibigay sigla kung tingnan siempre
Pero pipili ka dahil sa marami
May mga itsurang negatibo
Di ko doon itinuon ang pansin ko
Sa positibo naakit ang diwa ko
Yung masarap na tawa at todo
Iba't ibang uri kasi ng emosyon
Depende sa ramdam sa sitwasyon
May bahagyang ngiti o umis doon
O kaya ay halakhak din sa okasyon
Kung malungkot ay mayroon din
Luhang tumutulo ay mapapansin
Nanlilisik na mata kung galit mandin
Basta kitang kitang asar kung iisipin
Kaya naman ang lakip na larawan
Yung pinili ko at paborito naman
Emosyong tuwang tuwa sa nalaman
Pwedeng surpresang pagkikita ng magkaibigan
Dagdagan ko pa ang aking paliwanag
Maaring balita ay nakakatuwang tiyak
Halimbawa ay nagkaapong pinapangarap
Pero ang higit at pinakamasaya ay kasama ang Diyos sa lahat ng oras
Salamat po.
Happiness.