02/02/2026
Hindi lahat ng kabutihan napapansin.
Tulungan mo ang isang tao nang paulit-ulit, pero sa sandaling tumanggi ka minsan, agad kang tatawaging madamot. Maging mabuti ka sa loob ng maraming taon, pero magkamali ka lang isang beses, sapat na iyon para husgahan ka bilang masamang tao.
Iyan ang masakit na katotohanan—lalo na sa mga taong nasanay na sa pakinabang na nakukuha nila sa’yo. Hindi nila tinitingnan ang kabuuan ng ginawa mo, kundi kung ano lang ang nawala sa kanila.
Madaling maging tao, oo. Pero ang magpakatao, lalo na sa mundong may mabilis manghusga at makakalimot sa kabutihan, iyan ang tunay na hamon.
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat. Ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na totoo at malinis ang intensyon mo.
Ito ang ipinapahiwatig nimg artistang si Claudine Barretto.