mga dingding na 'di dinig

mga dingding na 'di dinig mga mensaheng isinisigaw ng mga dingding na sa bulwagan ng kapangyarihan ay hindi nakakarating.

big four? more like BIG THREE! 😏👌🏻akala ba ninyo, mga pintura lang sa pader ang tinatanggal? actually... kasama rin dito...
17/05/2026

big four? more like BIG THREE! 😏👌🏻

akala ba ninyo, mga pintura lang sa pader ang tinatanggal?

actually... kasama rin dito ang pagsasawalang bahala sa karapatan ng mga ordinaryong mamamayan. 🤓☝🏻

hoy mama sa taas, madaling magbura ng graffiti sa pader, pero hindi mo mabubura ang gutom at hirap ng mga informal settlers at artists sa pamamagitan lamang ng mga palyadong batas na nais lamang tapalan ang naglalakihang sugat ng lipunan. 🥱

alamin natin ang tatlong BIG na dapat unahin ng pamahalaan. 🗣



"informal settlers? sila ba yung..." 🙅🏻‍♀️lumipad ang aming team sa cswcd at nag-iwan ng kahon  upang tanungin ang mga m...
17/05/2026

"informal settlers? sila ba yung..." 🙅🏻‍♀️

lumipad ang aming team sa cswcd at nag-iwan ng kahon upang tanungin ang mga mag-aaral kung ano nga ba ang alam nila tungkol sa ating mga kababayang informal settlers.

spoiler alert ❗️ hindi lang ito usapin ng mga pinagtagpi-tagping yero at plywood, ito ay usapin din ng bulok na urban planning, pribatisasyon, at kawalan ng prayoridad mula sa gobyerno.

basahin ang iba't ibang perspektibo sa mga larawan sa ibaba para mas lumawak pa ang ating pag-unawa. 👇🏻

ngunit, hindi lang sapat ang pagbabasa. kailangan din namin ng tulong ninyo. 🫵🏻

para sa inyo, paano pa natin mas mapapalakas ang panawagan para sa karapatan sa sapat at disenteng pabahay sa bansa? ibahagi ang inyong sagot sa comment section! 👇🏻


mindset 🧠🥴 ba 💁‍♂️ mindset? 🧠💥o sistemiko ⛓️ at hene-henerasyong ⏳kahirapan? 🔻💸edukasyon at organisadong lakas ang sagot...
17/05/2026

mindset 🧠🥴 ba 💁‍♂️ mindset? 🧠💥
o sistemiko ⛓️ at hene-henerasyong ⏳kahirapan? 🔻💸

edukasyon at organisadong lakas ang sagot sa panggigipit ng estado. hindi lang kumakalam na tiyan at pangangailangan kundi gutom ng isip at kaalaman para linawin ang katotohanan ang magtutulak sa pagbabago, kaya't magparami tayo, kadamay!

magbasa, magsuri, at magkipagtalastasan!




ang bgc ay lupang pinangako sa mga young stunnah, like, 30 years ago. 🤪sinabi nya 'yun?!?! well, no! 😁pero kung akala ni...
17/05/2026

ang bgc ay lupang pinangako sa mga young stunnah, like, 30 years ago. 🤪

sinabi nya 'yun?!?! well, no! 😁

pero kung akala ninyo ang bgc ang nagpauso ng naglalakihang murals at streetart, mas eme eme pa yan kaysa sa clickbait!

para saan pang pampublikong espasyo kung ang pwede lang mag-iwan ng marka ay ang may milyong pambayad sa permit? hindi nagpapaalam, hindi nanghihingi ng permit ang galit. ❌🤬

ang tunay na bandalismo ay hindi ang pintura sa pader, kundi ang sistema na nagpapatahimik sa boses ng bayan mula pa noong dekada sitenta. alamin ang tunay na istorya!




16/05/2026

ika-labing-isang utos ng sustainable development goals 😇: sustainable cities and communities ✨

ph government: nugagawen 🤣 /pinagtatapon ang kabuhayan ng mga maralitang lungsod

-

sabi nila 🤓☝️tamad 🙄 ang mahihirap 😛😓 kaya sila 🤔 nananatiling mahirap 😁🤷

ah eh ah eh, katamaran ba ang pagkakayod ng dalawa, tatlong trabaho para magpakain ng pamilya?

makatarungan ba ang pambabasura sa ‘yong hanap-buhay dahil hindi ka nagpaalam sa mga panginoon ng kalsada?

para saan pang may mga batas at mambabatas na pinasasahod ng masa kung hindi naman nila tayo paglilingkuran? 🧐

alamin ang tunay na kalagayan ng mga informal settler families at ng malaking hanay ng maralitang lungsod!

panuorin hanggang dulo at makipagsagutan sa comments 👇👇👇




16/05/2026

know your rights, ano tara? 🏢⚖️

mula sa totoong kahulugan ng lina law hanggang sa kung sino nga ba pinoprotektahan nito, narito ang mabilisang breakdown para sa bawat pilipinong lumalaban para sa disenteng pamumuhay. dahil ang tunay na pag-unlad ng lungsod, dapat kasama ang masa—hindi lamang ang iilan. kung itatayo ang mga pangarap natin, dapat may matibay na pundasyon pati ang karapatan natin, am i right? ✊🏽

hindi pwedeng basta-basta na lang tayong gigising isang araw na wala nang masisilungan nang walang maayos na proseso at relokasyon. tandaan natin: ang disente at ligtas na tahanan ay karapatan, hindi pribilehiyo na para lang sa may kayang bumili ng maraming lupa at condo. 🏢

panuorin hanggang dulo para malaman kung paano ginagawang mas malawak ng batas na ito ang espasyo para sa ating lahat. 🎬










mga nagbabadyang litrato ng lansangan; nananawagan sa mga bulag na tainga ng mapang-aping lipunan. naghahanap ng sagot s...
15/05/2026

mga nagbabadyang litrato ng lansangan; nananawagan sa mga bulag na tainga ng mapang-aping lipunan. naghahanap ng sagot sa mga tanong na hindi mabigsak ng mga binusalang bibig. hanggang kailan magtitiis? hanggang kailan didiskarte para sa barya? kailan hihinahon ang mga nangangatal na sikmura? patuloy na hahanap ng sagot at patuloy na lilikha ng ingay. sa mga pader, eskinita, kalsada, poste, at mga dingding na ‘di dinig.



⚠️ vandal❗️ vandal❗️vandal❗️oh, anong larawan ang pumasok sa isip mo? spray paint sa overpass? poste? o makikitid na lus...
15/05/2026

⚠️ vandal❗️ vandal❗️vandal❗️

oh, anong larawan ang pumasok sa isip mo? spray paint sa overpass? poste? o makikitid na lusutan?

sa kalsada, ito ang mababansagang bandalismo, at mas masakit pa sa mata ng kapangyarihan ang mga taong lumilikha nito.

bulag ang hustisya, ngunit para sa masa, pinaglalaban ang pagkamit nito, at ang sandata natin ay kaalaman. 💥kaalaman sa batas at sa ating mga batayang karapatan, kaalaman na hindi lamang reserba sa mga nakapapasok sa loob ng mga gusali ng paaralan, kundi hinuhulma ng lansangan. ⛓️ na sya ring umaalpas, at sa labas nililika ang lipunang walang napagiiwanan!

kaya tara’t magkaalaman na❗️🤔

kaunlaran ba kamo o pandarahas? 🤫 sino ba ang pwedeng tumira saan? bakit ang lupang pampubliko, binabakuran para sa nagtataasang gusali? 🫨ikinaganda ba ng lungsod ang pagtaboy sa atin? 🧐

maralita, kasama ang kabataan, pag-aralan natin ang batas! 🔻❤️‍🔥🔍




Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mga dingding na 'di dinig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category