15/12/2022
Dalawang araw na lang at muling iaangat ang telon ng Tanghalang Metropolitan para sa isang natatanging all-Filipino Christmas ballet na pinamagatang PUSO NG PASKO tampok sina Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw, Alice Reyes at Pambansang alagad ng Sining para sa Musika, Maestro Ryan Cayabyab kasama ang Alice Reyes Dance Philippines (ARDP), Professional Artist Support Program, Orchestra of the Filipino Youth at Ryan Cayabyab Singers.
Isama na ang buong pamilya at huwag palampasin ang huling pagtatanghal na handog ng Tanghalang Metropolitan para sa taong 2022!