05/07/2026
Saludo GM Coach Alberto Gaufo🫡
A coach quietly carries every victory—and every defeat.
Dalawang magkasunod na talo ng mga alaga niya. Kitang-kita ang lungkot, pero ang sabi lang niya:
“Laban ng team ’to, hindi niyo lang laban.”
Sa buhay, may nananalo at may natatalo. Ang pinakamahalaga ay may natututunan tayo sa bawat laban at patuloy tayong bumabangon.
Salamat sa lahat ng coaches na walang sawang nagsasakripisyo ng oras, pagod, pera at puso para sa kanilang mga atleta. Kayo ang unang naniniwala, unang sumusuporta, at huling sumusuko.
Doon palang panalo na, yung alam mong may taong naniniwala sayo.