17/08/2026
๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ข๐ฉ๐๐ -๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ก๐
๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐-๐ข๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐ก, ๐๐ก ๐๐๐๐๐โ๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐, ๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐โ๐๐๐ ๐ ๐๐๐-๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐.
Makapangyarihang Ama, itinataas namin sa Iyo ang aming mga puso sa pasasalamat sa mga hiwaga ng Iyong nilikha na aming kinabibilangan, sa Iyong pagkakaloob na nagsusustento sa aming mga pangangailangan, at sa Iyong karunungan na gumagabay sa takbo ng sansinukob. Inaamin namin ang aming mga kasalanan laban sa Iyo at sa kabuuan ng Iyong nilikha. Hindi kami naging mabubuting katiwala ng kalikasan.
Dahil sa aming kamalian, ang kalikasan ay nagdurusa, at ngayoโy aming tinatamasa ang bunga ng aming pang-aabuso at kawalang-pakialam. Dumating na ang matinding pag-init ng mundo. Sunod-sunod at lumalakas ang mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at iba pang kalamidad. Kamiโy dumudulog sa Iyo, aming mapagmahal na Ama, at taus-pusong humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Idinadalangin namin na kami, ang aming mga mahal sa buhay, at ang mga bagay na aming pinaghirapan ay maligtas sa banta ng mga kalamidad, likas man o gawa ng tao.
Hinihiling namin na Iyong pukawin ang aming diwa upang kamiโy lumago bilang tapat na katiwala ng Iyong nilikha, at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Amen.