29/07/2026
MAMBURAO, Occidental Mindoro | 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗥𝗲𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 15.04-𝗠𝗪 𝗗𝗠𝗖𝗜 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗣𝗹𝗮𝗻𝘁, 𝗮𝘁 𝗠𝗲𝗴𝗮 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘅, 𝗧𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮-53 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗦𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻
Nagbigay ng update si Vice Mayor Raul "Boy" Masangkay sa mga pangunahing usaping tinalakay sa 53rd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Mamburao, July 27.
Sa pamumuno ni VM Masangkay bilang Presiding Officer, patuloy na nagiging produktibo ang Sangguniang Bayan, maaasahang legislative body at mahalagang katuwang ng administrasyon ni Mayor Atty. E-K Almero sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong pangkaunlaran ng bayan.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang rehabilitasyon ng Mamburao Public Market, Memorandum of Agreement sa Blue Alliance, pagtatalaga ng parking area para sa mga TODA, suporta sa mga Farm-to-Market Road, pagtatayo ng Micro Fuel Station sa Brgy. Balansay, at akreditasyon ng Purok Pag-asa TODA bilang Civil Society Organization.
Sa usapin ng kalusugan, seguridad, at kaayusan, ipinagpatuloy ang pagtalakay sa panukalang pansamantalang pagpapatanggal ng helmet at face mask sa mga papasok sa mga establisimyento bilang hakbang laban sa kriminalidad.
Pinag-aralan din ang mga ordinansa kaugnay ng dengue fogging sa BJMP, water potability testing, donasyon ng medical laboratory equipment, pagbabakuna, mental health, at Water Safety Plan.
Tinalakay rin ang reclassification ng lupa sa Brgy. San Luis para sa planong Mega Sports Complex ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, ang implementasyon ng "Gulayan sa Bayan Project" katuwang ang Department of Agriculture, at ang integrasyon ng Puricon Integrated School.
Samantala, sa usapin ng enerhiya at badyet, tinalakay ang kasunduan sa Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (OMCPC), pagbubukas ng trust accounts para sa mga pondong may kaugnayan sa enerhiya, pag-endorso sa 15.04-megawatt DMCI Power Plant sa Brgy. Tayamaan, at ang pag-aaral sa panukalang 2026 badyet ng Barangay 4 at Barangay 8.
Ayon kay VM Masangkay, nananatiling nakatuon ang Sangguniang Bayan sa pagbuo ng mga polisiya, programa, at proyektong makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Mamburao.
Visit source: https://www.facebook.com/raulboymasangkay/posts/pfbid02QFnj1ed2g4MiTaDKnRVTtEbfZ1S4w7gQUnqwGe1fZKmc1JF4RXZ5zqwLvg211CaWl