25/07/2026
FAKE NEWS PAGES | FAKE ACCOUNTS | IMPERSONATORS
Dahil malapit na naman ang eleksyon, mag ingat sa mga pekeng 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐞𝐬 / 𝐅𝐚𝐤𝐞 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬 na nagkukunwaring News o Advocates pero walang malinaw na pagkakakilanlan ng mga moderator o humahawak ng mga accounts na ito.
𝙆𝙖𝙧𝙖𝙣𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙧𝙞, 𝙢𝙖𝙜 𝙡𝙞𝙠𝙚, 𝙘𝙤𝙢𝙢𝙚𝙣𝙩, 𝙖𝙩 𝙨𝙝𝙖𝙧𝙚 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙨𝙖 𝙙𝙪𝙡𝙤 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙢𝙤𝙩𝙞𝙗𝙤. 𝙈𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙧𝙖 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙙𝙞𝙙𝙖𝙩𝙤, 𝙙𝙞𝙧𝙚𝙠𝙩𝙖 𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙙𝙞𝙧𝙚𝙠𝙩𝙖 (𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙙𝙞𝙣 𝙨𝙖𝙗𝙖𝙮), 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙨𝙪𝙚 𝙣𝙖 𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙚𝙝𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙡𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖 𝙤 𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤, 𝙖𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙪𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜 𝙛𝙖𝙘𝙩 𝙘𝙝𝙚𝙘𝙠 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙢𝙖𝙜 𝙥𝙤𝙨𝙩. Kunwari supporter pero makikita mo may interes din at pinapanigan. Kunwari may advocacy pero naka disensyo para sirain ang imahe ng isa o ilang tao at ipromote ang gustong kandidato.
May mga natanggap din tayo nagpapakilala at tumatawag bilang ako at humihingi ng pabor. Gumagamit ng ating pangalan at nagpapakilala na ako. Hinding hindi po ako hihingi ng pabor para sa sarili at para makompromiso ang aking prinsipyo.
Dahil mag eeleksyon na naman. 𝙂𝙖𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙁𝙖𝙠𝙚 𝙋𝙖𝙜𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝘼𝙘𝙘𝙤𝙪𝙣𝙩𝙨 𝙥𝙖𝙩𝙞 𝙣𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙞𝙢𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣𝙖𝙩𝙤𝙧𝙨 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙞𝙧𝙖 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙙𝙞𝙙𝙖𝙩𝙤. Kung hindi man ako direktang sirain, sisirain ang malalapit sa akin kagaya ng kapamilya.
Kahit na isinusulong natin ang progresibong pag unlad ng ating Munisipyo at reporma sa sistema, may ilang tao pa rin na hindi natutuwa sa ginagawa natin at naghihintay lang ng pagkakataon ibalik ang dating gawi.
Maging mapanuri. Hindi lahat ng nasa Social Media ay totoo. Minsan may mga taong nasa likod nito. 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙤 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙤𝙨𝙩 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙖𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙚𝙡𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙣𝙤𝙙 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙚𝙡𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣.
Bayan at Barangay Naman muna sana. Mamburao Naman.
—-