13/01/2026
CTTO
"Sa gitna ng trapiko"
Nandito ka na naman sa gitna ng trapiko.
Pinagmamasdan ang bawat pasahero.
Mayat-maya ang pagtingin sa suot na relo
Marami sa kanila ay mainit na ang ulo.
Lumipas na ang ilang minuto—
Mabagal pa rin ang takbo.
Halos hindi umuusad—walang pagbabago.
Lahat ay apurado.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan mo.
Ayaw mo nang magreklamo
Batid mong may mga bagay na hindi mo kontrolado.
Nauunawaan mo nang gaano man kabagal ang pag-usad ay makararating din sa lugar na nais mo.
Hindi ito tungkol sa mabagal na pag-usad ng trapiko.
Kuwento nating lahat ito.
Lahat tayo ay nagmamadaling manalo.
Gaano man kabagal ang pag-usad, maalala sana nating lahat na makararating din tayo sa dulo.
—iampeterpen
Photo from pinterest.