28/03/2026
“Halos Limang Dekada ng Paglilingkod sa Sining at Pananampalataya”
Mula noong 1982, ang Teatro ng Krus ay nananatiling matatag bilang isa sa pinakamatandang theater group sa Makati. Sa loob ng halos 50 taon, hindi lamang tayo nagtatanghal, tayo ay nag-aalay ng isang buhay na tradisyon na naging saksi sa pagbabago ng panahon, ngunit nanatiling tapat sa iisang layunin: ang ipakita ang dakilang pag-ibig ni Hesus.
Ang bawat tagpo sa ating Senakulo ay bunga ng mga dekada ng debosyon, na ipinasa mula sa mga naunang henerasyon hanggang sa mga kabataan natin ngayon.
Ito ang ating pamana, isang walang hanggang paalala na sa gitna ng makabagong mundo, ang krus ni Kristo ang ating nananatiling gabay.
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa aming panata:
March 30, 2026 | 6PM | Barangay Tejeros Hall, Makati City