Sagrada Fotografía

Sagrada Fotografía Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sagrada Fotografía, Photography Videography, Magdalena.

23/05/2026

PANALANGIN NG SAMBAYANANG PILIPINO PARA SA KALIWANAGAN, PAGBABAGONG-LOOB, AT PAGBABAGO

02/05/2026
24/04/2026

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔

Isang malaking biyaya para sa bayan ng Abucay ang muling pagbabalik ng nawala na pinagpipitagang imahen ni Apo Antin sa kaniyang tahanan, ang kapilya ng Salian sa bayan ng Abucay.

Sa gitna ng ating pagsasaya at pagdiriwang, tayo ay magkaisa sa panalangin at pasasalamat.

Narito ang ating mga talaan ng mga gawain para sa Araw ng Kapistahan at Pag-uwi ni Apo Antin sa ika-29 ng Abril, 2026.

TALATAKDAAN:

TRIDUO SA KARANGALAN NI APO ANTIN

26 Abril 2026 | Linggo
9:30 N.U. - Banal na Misa at Pagbabasbas ng Retablo
5:00 N.H. - Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena

27 Abril 2026 | Lunes
4:00 N.H. - Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena
5:15 N.H. - Banal na Misa

28 Abril 2026 | Martes
4:00 N.H. - Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena
5:15 N.H. - Banal na Misa

29 Abril 2026 | Miyerkules
ARAW NG KAPISTAHAN :
Ang Pag-uwi ni Apo Antin

5:00 N.U. – Paseo ng Banda sa Brgy. Salian at Poblacion

8:00 N.U. – Pagsalubong kay Apo Antin sa Patio ng Parokya

8:30 N.U. – Panalangin ng Pagtanggap, Harana at Mensahe ng Pasasalamat

9:30 N.U. – Misa Concelebrada (Parokya)

11:00 N.U. – Prusisyon patungong Kapilya ng Salian

11:30 N.U. – Pagluluklok ng Imahen ni Apo Antin sa Kapilya ng Salian

12:00 N.T. - 4:00 N.H. – Veneration

4:00 N.H. – Maringal na Prusisyon

6:00 N.G. –
Banal na Misa (Kapilya ng Salian) at Pagsasadambana ng Imahen ni Apo Antin

Halina at lahat tayo ay makibahagi sa ating mga gawain lalo na sa mga banal na misa at prusisyon.

Viva Apo Antin!
Viva San Pedro Martir ng Verona!



24/04/2026

SAKSIHAN |

Ang PAG-UWI NI APO ANTIN

Matapos ang apatnapu't walong (48) taon nang pagkawala ng matandang imahen ni San Pedro ng Verona (magiliw na tinatawag ng kanyang mga deboto bilang Apo Antin) sa kapilya ng Salian sa Bayan ng Abucay muli itong maibabalik sa kanyang tahanan sa kapilya ng baranggay Salian, Abucay sa araw ng kanyang kapistahan.

Ang imaheng ito at ang alaala nito ay patuloy na pumupukaw sa damdamin at debosyon ng mga taga-Salian sa kanilang patron kaya sa muling pagkakita at pagbabalik ng matandang imahen ni Apo Antin sa kanyang tunay na tahanan, sama-sama nating salubungin, at saksihan ang pagdating ni Apo Antin sa Parokya ng Santo Domingo ng Abucay, sa
Abril 29, 2026, Miyerkules, sa ganap na ika-8:00 ng umaga na susundan ng pagsalubong na pagpaparangal sa kanya at ng pagdiriwang ng Banal na Misa at ng maringal na prusisyon ng imahen pauwi sa Kapilya ng Salian.

Sama-sama tayong sumaksi, makipagdiwang at makibahagi sa makasaysayang pangyayaring ito.

San Pedro ng Verona, martir at saksi ng pananampalataya, ipanalangin mo kami!

24/02/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐒𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐀𝐒𝐘𝐀

Buong kababaang-loob tayong nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa handog na buhay at bokasyong inilaan ni Bishop Jun sa paglilingkod sa bayan ng Diyos. Sa loob ng isang taon, siya ay naging buhay na larawan ni Kristo, ang Mabuting Pastol na may matatag na pananampalataya, mapagtiis sa pagsubok, at puspos ng malasakit sa bawat kaluluwang ipinagkatiwala sa kaniya.

Dalangin natin na pagkalooban pa siya ng Panginoon ng lakas na hindi matitinag ng anumang unos, karunungang hinuhubog ng Banal na Espiritu, at pusong mapagkumbabang handang makinig, umunawa, at umakay sa landas ng kabanalan. Nawa’y sa kanyang paggabay, kasama ni San Jose, ang ama-amahan ni Hesus, Ama at Patron ng Diyosesis ng Balanga, at ni Maria, ang Virgen Milagrosa ng Santo Rosario; ay lalong tumibay ang pagkakaisa ng Simbahan, sumigla ang pag-asa ng mga nanghihina, at magningning ang liwanag ni Kristo sa ating pamayanan at bayan.

Maligayang Pagbati po sa iyong Anibersaryo bilang Pastol ng Diyosesis ng Balanga, Bishop Jun!

08/02/2026
08/05/2025

Habemus Papam! We have a Pope!

The Cardinals gathered in the Vatican’s Sistine Chapel have elected Cardinal Robert Francis Prevost as the 267th Pope, who took the name Pope Leo XIV.

21/04/2025

Pope Francis died on Monday, April 21, 2025, at the age of 88 at his residence in the Vatican's Casa Santa Marta.

Address

Magdalena

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagrada Fotografía posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share