10/08/2026
42 TOTALLY RANDOM THOUGHTS DURING THE BULACAN MARATHON :
1. Hindi talaga nag-postpone ang organizers. Dahil siguro alam nila na sanay na ang mga Bulakenyo sa baha. (Louder para sa mga kurakot!)
2. Ang layo ng napagparadahan ko (church parking). Pakiramdam ko pagsisisihan ko 'to. (*Balikan natin 'to mamaya.)
3. Ang damiiiiiing runners. Amoy Katinko everywhere!
4. Kita mo sa mukha ng karamihan na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman nila. Tulad ko. Di ko rin alam kung matatapos ko, tapos ganito pa ang panahon.
5. Lagi kong naaalala 'yung advice ng ilang runner friends : huwag kalimutang magbaon ng YABANG. Yabang na kaya mong tapusin. (Pero seryosong payo nila 'yan.)
6. Big kudos to organizers, sponsors, and all partner LGUs for working together for this big event. Bulacan deserved this one.
7. Ang pinakamasarap na part ng Bulacan Marathon : Ang tumakbo sa ulan!
8. Ang pinakamahirap na part ng Bulacan Marathon : Ang tumakbo sa ulan.
9. Thought while runners are passing me : Go lang. I'm on survival mode, not PR mode. (Naks, nakaisip ng palusot.)
10. Nakakatakot sa mga walang ilaw na parts, pero mas gusto ko na 'to kesa tumakbo sa init ng araw.
11. Bakit parang hindi napapagod 'yung iba??? Anong energy o electrolyte drink ba ang ininom nila???
12. Ang laking bagay na hiyang sa'yo ang fit at comfort ng shoes mo. Tatlo ang sinubukan ko dahil sumasakit ang paa ko sa long runs, buti sumakto na ang Asics Superblast. (Not a paid endorsement pero Asics, why not?? Haha.)
13. Habang tinatahak ko ang marathon, nagfa-flashback 'yung mga umaga na super aga gumising, long runs na kailangang tapusin... at GASTOS sa mga official run na ginawa kong preparation para dito. ('Wag na natin i-total, i-enjoy na lang natin ang moment na 'to.)
14. Nag-neon green shirt ako for two VERY IMPORTANT reasons : para mas visible ako sa dilim, at para mas madali kong mahanap ang sarili ko sa limpak-limpak na photos after ng event.
15. Hats off to the photographers who still covered the marathon even in not-so-ideal conditions. Proud of you! 📷❤️
16. Cheers to locals and marshals who shout words of encouragement to passing runners. Baka routine lang para sa inyo, pero may positive effect po sa mga nahihirapan sa pagtakbo.
17. I wonder anong feeling nung mga pumapatol sa offer ng tagay (alcohol) ng mga locals. Mas swabe ba ang takbo? Mas lumulutang ba sa bawat hakbang? 🤔
18. Sana lahat ng aid station or ambulance may liniment spray.
19. One big factor that helped me finish : MUSIC. Created a Spotify playlist of upbeat or motivational songs and listened on open-ear headphones (para safe pa rin). Di ko namamalayan ilang KMs na 'yung nalalagpasan ko.
20. Core memory : Nasa bypass, napakalakas ng ulan, laspag na ako, habang nakikinig ng "I Still Haven't Found What I'm Looking For" ng U2. Not gonna lie : I may have shed a tear or two, but it rekindled my drive.
21. Nakaka-21 items pa lang ako? Wala na akong maisip. Ang hirap talaga mag-42!!! (Same thought of seeming despair when I reached the halfway mark.)
22. Nagdadasal ako habang tinatakbo ang bypass na sana 'wag ako tamaan ng kidlat. I surveyed the surrounding, wala rin palang pwedeng pagtaguan, a long stretch of wide open space. "Lord, wala naman sanang madisgrasya sa event na 'to."
23. I then came across a fellow runner who appeared to be injured. Hobbling heavily while walking. When I asked him, injured daw ang knee niya. Gusto nang sumuko. Sasakay na raw siya ng ambulance kapag may dumaan o madaanan. Nasa 25KM mark pa lang siguro kami. Tried my best to encourage him na tiyagain hanggang kaya. Don't mind the cutoff, ang importante matapos niya. (** Balikan din natin 'to mamaya.)
24. No amount of training or preparation could make you ready for these conditions. Nonstop rain, floods, slippery roads, etc. The only saving grace are courage and resilience.
25. There's a special place in heaven for runners who share their supplies : gummies, sprays, and even energy gels.
26. Bilib ako sa mga nakukuha pang mag-vlog while running. Seriously, that's a special skill.
27. Bakit ko ba ginagawa 'to????
28. Kapag dumaan ka sa aid station tapos hindi ka uminom ng water, ang pakiramdam parang ikaw 'yung nandun sa meme ng tatlong Volturi (of Twilight fame) na proud na proud sa sarili.
29. Sobrang hirap. Hindi biro ang marathon. Totoo 'yung kasabihan : RESPECT THE DISTANCE.
30. Siguro 'yung mga running couples, never na maghihiwalay. Kasi ang tindi na ng pinagdaanan nila eh, tapos nakaya nila. 😅
31. May dumaan na marshal na naka-motor. Pumasok sa isip ko : Kyah, kyah, pwede angkas? Hanggang dun lang sa tulay.
32. Pero kung may dumaan na bakanteng tricycle, paparahin ko talaga, itawid lang ako dun sa malaking baha. (Pero wala eh.)
33. Speaking of baha, a reminder to fellow runners : DOXYCYCLINE. (But only upon doctor's prescription.)
34. May lechon pa kaya akong aabutan??? (Tapos may nakasalubong na marshal, ang sabi : "Parang halos wala na.")
KM 35 : Seven f**king KMs to go! My legs are killing me, but no turning back. Let's grind it out.
36. Ilang araw kaya ako lumpo pagkatapos nito?
37. Dati 5KMs lang hirap na hirap na ako. Tapos naging 10KM. Sinubukan ko ang half mary. Umakyat ng 32KM para testing kung kaya mag-marathon. Tapos ngayon konti na lang matatapos ko na!
38. Then the sad but somehow expected news : ubos na nga ang lechon. 😕
39. The human body and mind are capable of so much more than we give them credit for.
40. Sana gaya sa PBA/NBA, meron din announcer ng : LAAAAAAST TWO KILOMETERS. LAAAAAAST TWO KILOMETERS.
41. Without doubt, the longest kilometer ever.
42. There's the arch! There's the cheering crowd! There's the medal lane! We did it!!!
* Sinumpa ko 'yung malayong lakad pabalik ng parking. 500 meters of torture.
** Injured fellow runner finished the marathon! Waited for him at the medal line and offered my congratulations. Unbelievable guts.
- Please check the Guinness Book of World Records for largest running medal. I got a funny feeling the BM medal has a good chance.
Congratulations to everyone who took part. An amazing experience, to say the least. See you next time!
*️⃣ www.strava.com/athletes/jersandel