31/07/2026
'IPAGMALAKI NATIN ANG ATING NAKARAAN AT PAGKAKAKILANLAN'
Every picture tells a story, and this one spells: local history.
LARAWANG KUPAS (1975). Ang mga larawan raw ang alaala ng mga sandaling nakalipas -- mga pagkakataong umalpas, pero hindi pinalampas ng ating alaalang matalas.
Kung tunay kang Los Bañense, malamang di aalpas sa iyong memorya ang Olive's Studio, ang pinakatanyag at iconic na photographic studio dito sa atin.
Sabi ng isang page na tinatawag na "Los Baños, Noon at Ngayon," ang original na Olive's Studio ay matatagpuan sa Batong Malake, sa tapat ng kasalukuyang pinagtatayuan ng Los Baños Public Market. Sa ngayon, bagamat marami nang nagsulputang makabagong photo studios, nanatiling operational ang Olive's Studio (LB) sa bago nitong lokasyon sa tapat ng Lopez Elementary School.
Image courtesy of Olive's Studio Los Baños page