03/06/2026
Hello everyone! 💚 kami po ay mapagkumbabang kumakatok sa inyong mabuting puso para sa aming proyekto. Nais po naming ipamahagi ang mga gamit pang-eskwela sa mga bata sa darating na June 7.
Any kind of donations po ay aming tinatanggap maging gamit man o kaunting tulong ay malaking bagay na para sa kanila. 🙂
Maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamalasakit. God bless us all! 🙏✨
PINAGPALANG ARAW PO!
Mula po sa Grace Baptist Church (Mission), Nasisi, Ligao City, kami po ay lumalapit sa inyong mabubuting puso upang humingi ng kaunting tulong at suporta para sa gawain ng Panginoon.
Patuloy pong isinasagawa ng aming simbahan ang iba't ibang outreach programs para sa mga bata sa aming komunidad. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, natuturuan sila ng mabubuting asal at higit sa lahat ng Salita ng Diyos na nagsisilbing gabay tungo sa mabuting pamumuhay.
Sa nalalapit na pasukan, ang GBC (Mission) Young People ay magsasagawa ng School Supplies Distribution Project sa darating na Hunyo 7, 2026. Layunin naming makapagbahagi ng mga kagamitang pampaaralan tulad ng notebooks, ballpen, lapis, papel, at iba pang school supplies sa mga batang nangangailangan.
Bagama't may nakalaan nang pondo ang simbahan para sa gawaing ito, hindi pa rin po ito sapat upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng mga batang nais naming matulungan. Dahil dito, kami po ay buong pagpapakumbabang kumakatok sa inyong mga puso upang humingi ng anumang halaga o donasyon ng mga kagamitang pampaaralan. Anumang tulong, maliit man o malaki, ay lubos naming pahahalagahan at makatutulong nang malaki sa tagumpay ng proyektong ito.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, pagmamahal, at patuloy na pagsuporta sa gawain ng Diyos. Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon nang sagana at suklian ang inyong kabutihan.
God bless po!
Lubos na gumagalang,
Grace Baptist Church (Mission)
Nasisi, Ligao City