09/06/2026
DALIT NANG TOUA
Cun saclolo ang hanap natin
Sa paghihingalong mahigpit.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Ang tanang sangcalangitan
nag-aauit nagdiriuang
na ang Reinang sacdal mahal
lumipad nang pailanlang,
di lingap ang ating lagay
i-iuan sa madlang saquit.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Pagdacang na balitaan
nang manga ibong tanan,
na sila Ay papanaouan
ng alio nang calumbayan,
Ang canilag panambitan
bendición sila, i, magcamit.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Sa luha tayo,I, matunao
tayon tanang quinapal,
dahil sa ati,i, papanao
ang Ina nang cañuaan;
Nguni,t, huag nating asahan
saclolo niya,i. ipsgcait.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Si Mariang Iubhang pabám,
bahaguing tangí ang hinirang
caya,t, di siya na lahiran
nang pait nang camatayan;
at lipós nang catouaan
namatay sa sinta,t, ibig.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Sa pag-aalab sa sinta
nang lumic-hâ caniya,
sintanga at di iba
ang nitil nang búhay niyá,
caya,t, puspós nang ligaya,
pinupuring ualang patid.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Naquita at namasdán
ang apóstoles na hirang,
cay Mariang pagcamatay,
at sila ay nalunasan,
lalo na nang mapaquingan
Augeles na nag aauitan
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Oras nga ay dumating na
nang pagpanao ni Maria.
¡oh! araw na cacaiba
na di nagquitang aurora
sa pagca,t, sa iba, Señora
sumilang ang iyóng diquít.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
¡LiC-háng sino itó,t, alin
bangó,i, nagcalat sa hangin,
at Nacalocloc sa piling
nang Dios, ha Hari natin!
di iba,t, ang Reinang Virgen,
di mangyaring ipagsulit.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Pauang astros ang hiyas niya
sa pacpac ng Querubines,
nacahilig nac -yat siya,
at sa carrorg Serefines,
Sa Haring caniyang sinta,
at Anac, na ini-ibig.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Nagdaan na ang tag-ulan
nang tanan mong cahirapan
at ngayo,i, pauang auitan
ang narinig na lamang
ito nguyon y siyang alay
nang Coros na mariquit.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Taga Siong punó naNg gracia,
Sa bua,i, lalong maganda
icao nang Dios, ay Esposa,
isa iyo, sino ang papara?
na Anac, at Ina Niya,
Bucod tanging ini ibig.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Sa pagca tangi cang Reina,
araw ang siya mong danit,
at bitoing maririquit
ang bigay sa iyong corona;
at uala ca ngang capara
sa taas, mong di malirip.
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Sa trono mong sacdal taas
Alala mo caming lahat,
at hirap nami,i, iyong lingap,
camAy mo po,i, iyong igauad
sa aming dali,t, saquit
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Sa iyo, Reinang marangal,
cami pó ay na dulog
at pauang luluhog luhog¡
na cami ay caauan;
yamang alolod cang tunay
uang guinhauang ualang guilid
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Tangi ang aming capalaran
cung sa galing mo nang sacdal,
ay amin namang camtan
ang magandang camatayan,
naag cami ay mag tagumpay
sa demonióng lub-hang ganid
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.
Cun saclolo ang hanap natin
sa paghihingalong mahigpit;
Si Maria,i, siyang tauaguin
sa pag-acyat niya sa langit.