04/04/2026
Must read this:
Minsan hindi maiwasan na makaramdam ng guilt. Ngayong may trabaho na kami at kahit papaano kumikita na, naiisip ko na hindi pa rin namin naitreat ang magulang namin sa mga restaurant o kahit simpleng bakasyon man lang. Sila yung buong buhay namin inuuna nagtipid, napagod, nagsakripisyo para lang maibigay ang mga pangangailangan namin.
Habang kami unti-unting naaabot ang mga pangarap namin, sila naman yung tumatanda na tahimik lang, walang hinihingi, kontento na makita kaming okay. Pero sa puso ko, gusto ko maranasan nila yung buhay na deserve nila yung hindi sila nag-aalala sa gastos, yung sila naman ang inilalabas, pinapasyal, at pinaparamdam kung gaano namin sila kamahal at ka-grateful.
Hindi man ngayon, pero balang araw babawi rin kami. Dadating din yung panahon na hindi na lang kami ang proud sa narating namin, kundi sila naman ang masaya at relaxed dahil alam nilang lahat ng sakripisyo nila ay may bunga.
Soon, kami naman ang magsasabi… “Nay, Tay, kayo naman. Kami naman ang bahala.” 🤍