14/04/2026
๐ต๐ฑ ๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ฆ, ๐ฃ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐ข๐ ๐๐ซ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ-๐๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ข
Imbitado at dumalo bilang Guest Speaker si Konsi Jor-El Caayao sa 9th Graduation Ceremony ng Senior High School Department ng Ceguera Technological Colleges, Inc. na ginanap noong April 10, 2026 sa CTC Main Campus.
Sa naturang seremonya, naghandog si Konsi Jor-El ng Medals of Excellence sa 95 nagsipagtapos na Senior High School students, bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagsisikap at tagumpay. Sa temang โFilipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character,โ ibinahagi ni Konsi Jor-El ang isang makabuluhang mensahe na humikayat sa mga magsisipagtapos na yakapin ang responsibilidad ng pamumuno nang may integridad, kahusayan, at malasakit sa kapwa.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto at paninindigan sa tamang pagpapahalaga habang hinaharap ang mga hamon sa mas mataas na antas ng edukasyon at sa tunay na mundo.
Jor-El Caayao