Mga Kuha ni Bert

Directions Website Contact the business

Mga Kuha ni Bert photographer ng buhay | Instagram:

“May mga nagsusuko ng pakikibaka para sa maalwang buhay. May mga tulad ni Tatay Elmer na nagsusuko ng maalwang buhay par...
07/10/2026

“May mga nagsusuko ng pakikibaka para sa maalwang buhay. May mga tulad ni Tatay Elmer na nagsusuko ng maalwang buhay para sa pakikibaka.” - PARA - Commuters' Network

Maraming salamat, Tatay Elmer. Isa kang alamat.

07/10/2026

Addendum: Para po sa mga nais na dumalaw at mag-alay ng panalangin kay Tatay Elmer, siya po ay nananatili sa Resurrection Chapel, Immaculate Heart of Mary Parish (Claret Church), 2 Mahinhin St., Diliman, Quezon City hanggang 13 ng Oktubre.

-----

Buong-pusong nakikiramay ang Inklusibo sa pamilya at mga kasama sa PISTON: sa pagpanaw ni Elmer 'Tatay Elmer' Cordero.

Sa loob ng mahabang panahon, walang tinag na nanindigan si Tatay Elmer para sa karapatan ng mga tsuper at mga komyuter. Masigasig niyang ikinampanya at ipinaglaban ang progresibo, makabayan, at makamasang uri ng pampublikong transportasyon, at aksesibleng serbisyong panlipunan para sa lahat.

Isa ang Inklusibo sa humanga sa talas ng kanyang prinsipyo at pananaw hinggil sa mga pangyayaring panlipunan. Dahil dito, lalong lumalim at tumibay ang aming relasyon sa PISTON at sa sektor ng mga tsuper. Walang pakundangan siyang nakilahok sa iba't ibang mga protesta at strike, mga kampanya, at mga gawain upang maipaglaban nang husto ang karapatan nating lahat.

Matinding kalungkutan ang dala ng pagpanaw ni Tatay Elmer. Pero kung siya man ay buhay ngayon, hihimukin niya kami na ngumiti at patuloy na lumaban.

Maraming salamat, Tatay Elmer sa ipinamalas mo na malasakit at militansya sa loob ng mahabang panahon. Dala namin ang lahat ng mga aral at mga alaala mo upang mas mapalakas ang pakikibaka natin para sa isang inklusibo at makataong bukas.




*Litrato mula kay Mga Kuha ni Bert.

07/10/2026
Hello! Ako nga po pala si Bert isang photographer ng buhay at hilig ko magkwento gamit litrato. Pinakapaborito ko kuhaan...
15/08/2026

Hello! Ako nga po pala si Bert isang photographer ng buhay at hilig ko magkwento gamit litrato. Pinakapaborito ko kuhaan ng litrato ang mga tao sa paligid ko. Mula sa pinakasimpleng ginagawa nila hanggang sa pinakamahalaga.

Kung sakaling kayo mismo o may kakilala kayo na kailangan ng Photographer sa kahit anong event, sabihan niyo lang ako. Nasa post na to ang ilang mga kuha ko mula sa iba't ibang tao na nag tiwala sa akin (hehe maraming salamat po!)

Kung maisheshare niyo tong post na to, maraming salamat din! Sobrang laking tulong na non para sakin. PM lang kayo mismo sa page ko or magcomment kayo dito ako na magme-message sa inyo.

Maraming salamat po!

Boracay, 2025
13/06/2026

Boracay, 2025

Konting mga litrato ulit ng aking minamahal na pamilya. Minsan sarap lang din talaga maging bata eno, mga panahon na kas...
12/06/2026

Konting mga litrato ulit ng aking minamahal na pamilya. Minsan sarap lang din talaga maging bata eno, mga panahon na kasya pa tayo sa loob ng ref hahaha!

Pitong buwan noong huling post ko ng picture, medyo nabusy lang din talaga at hindi masyado nakakalabas. Pero hindi ko p...
10/06/2026

Pitong buwan noong huling post ko ng picture, medyo nabusy lang din talaga at hindi masyado nakakalabas. Pero hindi ko pa rin naman nalilimutan damputin ang aking munting camera. Palagi ko rin kasi sinasabi sa sarili ko na hindi naman kailangan pumunta sa magarbo o malayong lugar para lang kumuha ng litrato. Kaya kahit busy at hindi ako makalabas, sapat na ang mga simpleng nangyayare sa paligid ko.

Address

Imus

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Kuha ni Bert posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mga Kuha ni Bert:

Shortcuts

Share

Category

Nearby photography services