11/08/2026
BARKADA at KALUSUGAN
Isang mahalagang usapin na kadalasang kinakaharap ng marami,lalo na sa gitna ng pakikisama at pagbibigay halaga sa pakikipagkaibigan. Narito ang isang makabuluhang mensahe na maari mong gawin o ibahagi.
Kalusugan o Barkada: Sino ang dapat piliin?
Sa buhay,likas sa atin ang mapahalaga sa barkada. Sila ang ating kasama sa tawanan, sa mga gala, sa mga oras na kailangan at sa mga alaala na mahirap kalimutan. Ang totoong pagkakaibigan ay isa sa pinakamasarap na regalo sa buhay.
Subalit, dumadating ang pagkakataon na kailangan nating tanungin ang ating sarili. Paano kung ang pakikisama sa barkada ay unti-unting pumipinsala at ating kalusugan?
Ang Halaga ng Kalusugan
Ang ating kalusugan, magjng pisikal, mental, o emosyonal, ang ating pinakamahalagang puhunan. Kapag nawala ang iyong kalusugan ay:
*Hindi mo na magagawa ang mga bagay
pangarap mo.
*Hindi mo na maeenjoy ang mga
paborito mong gawain at libangan.
*Ang iyong pamilya at mga mahal sa
sa buhay ang huling mahihirapan at
mag aalaga sayo.
Ang Tunay na Barkada
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalagay sa kapahamakan. Ang totoong barkada ay:
*Rumerespeto sa iyong hangganan
(boundaries). Kapag sinabi mong 'Pass
muna ako, kailangan ko magpahinga"
o "Hindi ako pwede masama
pakiramdam ko", maiintindihan ka nila
*Tumataguyod sa iyong kabutihan.
Sisiguraduhin nilang maayos ang
iyong kalagayan at hindi ka itutulak sa
gawaing makakasira sa iyong
kalusugan at kinabukasan.
Ang Desisyon
Kung kailangang pumili, piliin mo palagi ang iyong kalusugan. Ang kalusugan kapag nasira, mahirap o imposible ng ibalik. Ang kaibigang magagalit o magtatampo at maraming sabi, sila ang hindi tunay na kaibigan bagkus, isa lamang silang samahan sa panandaliang saya.
Pahiwatig: Unahin ang sarili at ang kalusugan. Sa huli, ang taong malusog ay may kakayahang maging mabuting kaibigan, kapamilya at tao sa lipunan.